Chapter 11

0 1 0
                                    

Chapter 11

"Tara?" Naglahad ng kamay si Drake. He opened the door for me.

Nakakunot ang aking noo, walang tiyak na ideya kung bakit kami naririto. Tahimik ang naging byahe namin pabalik sa syudad na kinalakihan ko. Habang papalapit sa subdivision namin, mas dumodoble ang kaba sa dibdib ko. This is really it.

Kaya't kung bakit kami lumiko gayong dire-diretso lang ang daan patungo noon, nagtaka na ako. Tumigil kami sa Montessori School kung saan kami nag-aral ni Drake noong mga bata pa kami. Hindi kalayuan sa Mendez High kung saan siya nag-aaral ngayon. The school that my dad established years ago. The school I used to attend at before.

Tinanggap ko ang kamay ni Drake. Inalalayan niya akong lumabas ng sasakyan at hinawakan pa ang aking ulo para maiwasan ang pagkauntog. As if mauuntog naman ako.

May playground sa tapat ng Motessori. I still remember that we used to play here before. Instead of going to the school, niyayaya ko siyang maglaro na lang. Samantala, yayayain niya akong pumasok sa paaralan kapalit ang pakikipaglaro sa kaniya pagkatapos ng klase.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong ko.

Nag-aagaw na ang kulay kahel at itim sa kalangitan. The sun has already set down. Why are we here? Don't tell me na yayayain niya muna akong maglaro kaming dalawa bago umuwi? Kidding aside, bakit niya pa ako dinala dito at hindi na lang idineretso sa bahay?

"You wanna go home?" Like the usual, mahinahon ang kaniyang pagtatanong.

Napakagat ako sa aking labi. Bahagya kong inugoy ang swing na inupuan na nagdulot ng pagtunog ng pagkikiskisan ng mga kinakalawang na bakal nito. Iniwas ko ang tingin sa kay Drake na nakaupo sa duyang katabi lang ng inuupuan ko. Yumuko ako at tinuon ang atensyon sa puting sapatos.

If I would be given a chance to come back to that public school, susunod na ako sa school rules. Black hair? Sure. Black shoes? Why not. Pero babalik pa ako? I wonder not.

"Sa mga Aragon... Oo..."

Aaminin ko, my heart felt warmer in that four-cornered blue house. But I guess, I can't escape my life here. Kailangan kong bumalik at harapin ang kasalanan ko kay Dad.

"Sa mga Aragon... Sure..."

Umangat ang tingin ko sa kaniya. What does that mean? Did he...

"But can you at least give me enough time to be with you? I missed you..." Dagdag niya.

Akala ko... Akala ko... Whoah! So hindi pa ako uuwi sa bahay ni Daddy? He just want to see me?  Hindi naman sa ayaw ko, syempre gusto! I missed him, too!

Agad akong tumayo at pumwesto sa kaniyang likod. I back hugged him. Sobrang higpit! He almost got choked because of that. Hindi ko naiwasang humalakhak dahil sa kaniyang reaksyon.

Nang sa wakas ay bitawan ko siya ay ang kaniya namang pagtayo para yakapin ako. Grabe. Gaano katagal ba kaming hindi nagkita nito? 2 weeks? 3 weeks? 4? Basta ang huli ay doon pa sa presinto! He is the only friend I considered before. Kahit may pagkamaattitude ako, siya lang nakapagtiis sa akin ng ganito.

Sa ngayon, bumalik kami sa swing namin. Malakas kong inugoy ang swing tangay ang frostee na binili namin sa kalapit na convenience store. Yung tipong tatalksik ako anytime sa sobrang lakas noon. My god! I miss eating frostee, too! May ganito pa rin pala? Ito parati ang kinakain namin noon, e. Tapos after we started schooling at Mendez, ngayon na lang kami nakabalik.

"So how's Mendez going without me?" Tanong ko.

Drake chuckled. Sa reaksyon niyang iyan, alam ko na kaagad ang ibig niyang sabihin. That bitch!

The Blue House of Aragons (SHS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon