Chapter 1

67 4 7
                                        

"Hoy bruha dalian mo naman maglakad late na tayo oh. Alam mo namang mataray yung teacher natin eh"


"Eto na nga diba nanakbo na. Ano pang pinuputak ng butche mo diyan. Sana all kase mabilis manakbo eh" hinihingal kong sabi sa kaibigan kong si Scarlet.


We decided to go to school together today since her house is just a few minutes away from our house. Kamalas-malasan nga lang ay wala gaanong trycicle ang dumaan sa may amin kanina. Kaya eto kami ngayon tumatakbo papunta sa school na may kalayuan naman sa bahay namin.


Ang haba kase ng legs niya kaya ang bilis niya eh, paano naman akong di pinalad diba? At sa lahat ng araw na pwedeng ma late bakit ngayon pang may flag ceremony? Ayaw na ayaw pa naman ni Ma'am na nale late sa flag ceremony. Ayoko din naman ma late at may parusa ang male late.


"Ang liit mo kase Amber eh. Kung pwede lang eh binuhat na kita diyan kaso lalo tayong babagal sa lagay na yon" sobra sobra na kaming hinihingal sa pagtakbo. Kung madami lang na tricycle ang dumadaan sa may amin edi sana nasa school na kami.


"Bwiset ka" nasabi ko na lamang dahil lalo lang akong hihingalin kung todo daldal ako habang nanakbo. At sa kasamaang palad eg nakabunggo pa ako. Malas naman eh, male late kami lalo nito.


"Nako po mga ineng bilisan nyo at magsisimula na ang flag ceremony" sabi sa'min ni Kuya Harold; guard namin. Nginitian na lang namin siya at binati ng good morning. Ang bait talaga ng guard namin da best talaga yon.


"Ay! Sorry po sorry" paghingi ko ng paumanhin dun sa nakabangga ko habang tumatayo.


Napaangat ako bigla ng tingin sa nabangga ko dahil sobrang tangkad niya. Ang gwapo naman, kaso male late na kami kaya nanakbo na ulit ako papuntang quadrangle. Wala na akong time para i-admire ang ka-gwapuhan niya.


"Takas ka sa flag ceremony?! Huli ka balbon! " napatigil ako bigla ng mapansin kong nakatayo pa din si Scarlet sa harapan nung gwapong kuya.


Nakakunot lang yung noo nung kuya kay Scarlet. Hala! Naiinis yata kay Scarlet baka kung ano ano na naman sinasabi non.


"Sorry po sa kung ano mang sinabi sinabi nitong kaibigan ko. Mauuna na po kami hehe" sabi ko pagkabalik ko kay Scarlet at hinigit na siya paalis don.


"Ano ba naman yan Scarlet. Male late na nga tayo inuna mo pa yung pagkausap dun sa kuya" panenermon ko sa kaniya at lalong binilisan yung pagtakbo. Naririnig ko yung boses sa speaker at parang kakasimula pa lang nung flag ceremony.


"Pst! Takas yung nabangga mo kanina ah" sabi sakin ni Scarlet habang pabalik na kami sa classroom.


"Oh anong gagawin ko?" bored na sabi ko. Para namang may pake ako dun sa nabangga ko kanina. Gwapo nga kaso wala akong time para humarot kanina. Next time na lang, charot!


"Gaga ka hindi ba't vice president ka bakit mo hinayaan?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Scarlet. Oo nga pala, ako nga pala yung vice president nakalimutan ko. Napakawalang kwenta ko talagang vice president.

Notice me CrushWhere stories live. Discover now