"Nakaka-kilig naman! Sana all talaga! Malay mo diyan pala magsimula ang inyong love story ehe" kinikilig na sambit ni Scarlet at hinampas-hampas pa ako. Kinuwento ko lang naman sa kaniya yung nangyari kahapon. Mukhang mas kinikilig pa siya kesa sa akin akala mo naman siya yung nilibre.
Andito kami sa garden ngayon dahil vacant kami ng isang oras at may meeting daw ang mga teachers. Sana lang ay humaba pa yung pinagmi meeting-an nila dahil tinatamad talaga ako makinig sa mga lesson ngayon at buti na lang wala silang iniwan na gagawin.
Feel ko talaga kaya sila puro pa-quiz kahapon kase may meeting sila ngayon. Ang bad naman ng mga teacher namin. Sobrang naloka talaga ako kahapon sa dami ng mga quiz na pinasagutan nila.
"Add to heart mo na besh! Baka makuha pa ng iba sayang din"
"Loka lokang 'to! Add to heart ka diyan gaga! Ikaw add to trash"
"Ginawa pa nga akong basura. Kunware ka pa ha. If I know crush mo na agad yung pogi, am I right?" sabi ni Scarlet while wriggling her brows. Pasalamat talaga'tong bruhang 'to at hindi ko pa siya nasasabunutan na malapit-lapit ko na din gawin.
"I don't like him that way. Na-appreciate ko lang yung panlilibre nya and also his good looks. Muntanga 'to baka ikaw yata may crush don eh"
"Hoy hindi ah! Shini-ship ko lang kayong dalawa kase nga bagay kayo. Plus, ngayon na lang ulit kitang nakitang kinikilig kaya normal na i-ship kita don" pagdadahilan ni Scarlet. Napaka-lame naman ng dahilang neto.
"Kinilig lang naman! Porket kinilig crush na agad? Ikaw nga halos lahat yata ng gwapong makasalamuha mo kinikilig ka!" sabi ko sa kaniya. Todo ano siya sa akin dun sa pogi pero ang totoo talaga siya yung may gusto don kunware pa ang gaga.
"Boba, ikaw din naman! Akala mo hindi ko nahahalata yang mga pagtingin-tingin mo sa mga gwapo"
"Ina-appreciate ko lang ang magandang nilalang na ginawa ni God. Hindi naman ako kagaya mo crush agad" sabi ko at umirap sa kaniya.
"Kung hindi pala dahil sa akin hindi ka niya ililibre kaya magpasalamat ka sa akin" proud na proud na sabi ni Scarlet. Nakaka-proud na ba yung ginawa niya? Proud na siya non? Bruha talaga ang loka.
"Nakalimutan ko kase kunin yung wallet ko sa'yo. Hindi mo kase pinaalala edi sana hindi ako nagkaroon ng utang sa kaniya"
"Edi wag mo na ipahawak sa akin gaga ka. Kita mong nakalimutan ko din--"
"Okay, tama na mga bruha. Nakakarindi na yang mga bunganga nyo hindi ako makapag focus sa laro. Naka earphones na nga ako't lahat rinig na rinig pa din yang mga bunganga nyo" pagsabat bigla ni Francis habang nakatingin pa din sa cellphone niya.
Kaya pala tahimik ang mokong, naglalaro na pala. Wala tuloy akong kakampi kanina. Isa siya sa madaming sinasabi about appreciating those who have good looks.
"Siraulo ka! Kanina pa kami nag-uusap dito tapos ikaw naglalaro ka lang diyan. Mas inuuna mo pa yan kesa sa mga kaibigan mo. Friendship over na tayo"
"Friendship over ka diyan! Naglaro lang naman ako kase puro kaharutan yang mga pinag-uusapan nyo" sabi ni Francis sabay batok kay Scarlet na binawian siya ng isa ding batok.
Nagbatukan pa nga ang dalawa sa harapan ko. Napatingin ako sa cellphone ko at tingnan mo nga naman, ang bilis lumipas ng oras alapit na matapos ang isang oras naming vacant. Tinatamad pa talaga ako makinig kaso no choice need ko um-attend ng klase if i want to have a good grade.
"Tama na sa pagba batukan at bumalik na tayo sa classroom. Alam nyo naman kung sino yung next nating teacher. Ayoko pa man din tumayo sa labas ng classroom at isang oras nakatayo sa labas habang nakasilip sa bintana na nakikinig sa lesson" sabi ko sa dalawang ugok na patuloy pa ding nagbabatukan na parang mga tanga-- actually, tanga na pala talaga. They just groaned at me and get their stuffs.

YOU ARE READING
Notice me Crush
Teen FictionAmber Fuentes is just a normal teenager in 10th grade. At kagaya ng ibang ka-edad nya ay nagkakagusto din siya sa isang tao or crush kung tawagin. But since it has been a long time nung last na nagka-crush siya she's been wondering whether she like...