Prologue

239 69 62
                                    


Alam niyo san tayo magaling?

SA PAG-AADVICE!

Diba?

Diyan tayo magaling eh, sa kaka-advice yun naman pala di ma-apply apply sa sarili yung sariling advice.Ang bobo!

First of all naman kasi,walang right time at walang right person.

Sino ba kasing nag-imbento na dadating yang right person na yan at the right time.Gago!

Ikaw, ikaw dapat ang maging tamang tao para malaman mo ang tamang panahon para umibig.

Oh diba ang ang gandang advice, na-apply mo ba sa sarili mo? Oh diba wala?

Eh ano point ng advice ko kung di mo ma-apply sa sarili mo?

Nakakatawa lang sinusulat ko'tong lahat ng ito ngayon dahil ang tanga-tanga ko!

Sarili kong advice di ko ma-apply, oo! Ako, ako na si Adrianna Dahlia Santiago, advice ng advice pero di man lang ma-apply sa sarili.

Relate ka no?

Buti naman at relate ka kasi nahihirapan na ako. Bat ba naman kasi sa akin pa sila nanghihingi ng advice eh, ang olats olats ko naman sa totoong buhay.

Tinanong ko na nga si Lord eh, sabi ko pa nga:

"Lord paano po ma apply sa sarili ang sariling advice? Pwede po ba i send ko nalang to 8080? Pang one life time subscription?"

Opo, nanghingi na ako ng subscription kay Lord.

Kaka imbyerna na kasi. Kailan ba kasi ako matututo. Kakapagod na....

*beep beep*

Hays bwesit sino na naman ba tong nag tetext nag eemote pa ako dito sa sky garden eh epal!

1 Message from Calix

Si Calix Nomi Natividad ang bestfriend ko eversince the world began,opo ganun ka intense!

Hanggang nag college nalang kami magkasama parin po kami kakaloka hahahaha.

*opening message*
[Hoy Ads! Asan ka na? Andito na yung prof natin sa Hematology gaga late ka na naman!"]

Ayy anak ng-! Ugh ang malas malas ko na ba, nakalimutan ko pa na may Hema class kami ngayon pucha late na naman ako huhuhu!

So ayun nag madali na akong bumaba galing sky garden papuntang 3rd floor.

At opo di po ako nag elevator at nag hagdan po ako, eh walang kwenta yung elev namin dito sa school pinapagamit lang kung may bisita.

Nang buksan ko na sana yung pinto sa likuran ng classroom eh may biglang bumangga sa likod ko.

Seriously? How unlucky can I be?

"Naknang! Ano bang problema mo?" bulong ko dun sa nakabangga sa'kin, kaya humarap na ako sa kanya.

AY TOKNENENG BA'T SIYA PA?

"Vv-vis?? B-bat ka andito?"

Ba't ngayon ka pa nagpakita, ba't ngayon pa na nalilito ako kung anong nararamdaman ko sa'yo?

A Little Bit CloserTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon