Chapter 37

45 5 0
                                    

Nakatingin ako sa bilugan na buwan sa isang maliit na bintana na gawa sa bakal sa loob ng aming selda. Kapwa kami nasa sulok at walang nagsasalita base na rin sa kagustuhan ng mga gwardya. Tunog ng bakal ang kumuha ng aking atensyon. Mabilis na lumapit sa akin ang isang gwardya sabay hatak at hablot sa aking palapulsuhan na halos ikinamudmod ko sa sahig.









Akmang tatayo si Angus pero mabilis siyang sinapak gamit ang dala nitong armas. Nilagyan nila akong posas na nakakabit sa isang mahabang kadena sabay tulak sa akin palabas ng selda. Kung marami silang pumasok sa loob, mas marami ang nag-aabang sa labas. Nang akmang mahuhuli o di kaya'y mabagal ang aking lakad ay kinakaladkad nila ako na may halong sipa.







Tsk.









Pumasok kami sa loob ng isang malaking bulwagan. Maraming mga taong nakahilera sa gilid na halatang gustong masaksihan ang gagawin sa isang dayuhan na kagaya ko. Ilang tulak at sapak ba ang natanggap ko sa mga lalaking mas malalaki at may mabibigat na kamay na nakadepende lang sa kanilang lakas. I roll my eyes at that idea.








Isang malakas na tulak ang ginawa ng lalaki na ikinasalampak ko sa sahig. Nang hindi pa makuntento ay mabilis niyang hinatak ang aking buhok na nagpagulo nito at nagpasigaw sa akin ng malakas. Nang bahagya akong makatayo sa kanyang ginawang paghatak sa aking buhok ay mabilis niyang akong itinulak na ikinaluhod ko sa harapan ng kanilang reyna na nakatingin lang sa karahasan ng kanyang mga kawal sa mga taong hindi pa nahahatulan ng pagkakasala.








Now I know why that woman wanted to leave this place. Though I understand their actions. "In order to attain peace, one must first know how to discipline himself." Yan ang mga katagang laging pinapaalala sa akin ni ama pero alam kong kahit sa sarili ko ay hindi ko nagawa lalo na ng umibig ako kay Larco.








"Ano ang kailangan mo sa aking kaharian babae? Isa kaba sa mga nagtataglay ng salamangka na gustong pagharian ang buong realm?" Malakas na saad ng reyna na nakikitaan ko ng matinding galit.









She should be.








"Hindi ako salamangkero at oo, may plano nga kami pero bakit ko naman sasabihin sa iyo?" pabalang kong saad na nagbigay sa aking pisngi ng malutong na sampal galing sa malambot na kamay ng reyna na halatang walang ibang alam gawin kong hindi ay mag-utos sa kanyang mga tauhan habang nakaupo sa kanyang trono buong araw.









Sa isang kumpas ng kanyang kamay sabay talikod sa akin ay naramdaman ko ang isang mahapdi na bagay na dumapi sa aking likod. Bahagya akong napapikit sa matinding sakit na lalong nagpatibay sa aking ng ilang taon dahil sa ilang kaparusahan na aking natanggap sa ilang taon kong pagkakamali sa ilang desisyon na maaaring magpahamak sa syudad.








Whips. Tsk.









Ilang hampas ang kanyang ginawa sa aking likod na halos ikangiwi ng tingin ng ilang manonood na siyang mas nasasaktan sa ginagawa sa akin. Nang napagod na ang kawal ay bahagya siyang napahinto. Mabilis niyang tiningnan ang aking punit na damit sa likurang banda kong saan bakas ang matulis na dulo ng latigo.









"Mahal na reyna!"










Sigaw ng kawal na ikintahimik ng manonood. Mabilis na lumapit ang reyna sa kanyang kawal sabay tingin sa gustong ipakita nito sa aking likuran. Pahablot akong itinayo ng dalawang kawal habang nakaharap sa reyna na agad rin akong sinampal tig-isa bawat pisngi.









After Light: Journey To The Empyrean (Agnes, Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon