Mabilis kaming tumakbo patungo sa kinalalagyan ni Draco habang pilit naman niyang tinataboy ang mga lumalapit na kawal gamit ang kanyang apoy. Nang lahat kami'y nakasampa ay mabilis nitong nilipad ang malawak na kalangitan.
"We need to get away far from the Empyrean spell."
Mabilis na tinahak ni Draco ang himpapawid ng biglang may mga palaso na lumipad sa aming kinalalagyan na mabuti nalang ay agad naming naiwasan bago tumama sa aming katawan. Mahirap ibalanse ang aking katawan lalo na't anim kaming nakasakay sa likod ni Draco.
Nakasunod ang kawal ng Camelot na nakasakay sa kaniya-kaniyang dragon na mas malaki kesa kay Draco. Dahil mas malalaki at mabibilis ang kanilang mga ito ay agad kaming naabutan kaya ang mga mababagsik na pakpak nito ay agad hinampas ang aming kinalalagyan sa ibabaw ni Draco. Nang dahil sa lakas ng pagkakahampas ay nalaglag ako mula sa aking pagkakaupo na nakatihayang ninamnam ang malalakas na hangin na nagdadadala sa akin papalapit sa lupa.
I open my palms and let air take my colleagues to safety except for Angus for I know he can manage. Nang lumapat ang aking mga paa ay bahagyang nabitak ang lupa na aking kinalalagyan dahil sa lakas ng aking pagkakalapag. Agad akong tumakbo patungo sa kung saan nakalapag ng ligtas ang aking kasama. Mabilis na lumapit si Angus sa aking kinalalagyan na may matalim na tingin. Alam kong alam niya ang laking epekto nito sa aking katawan sa ilang beses kong pagpapalabas ng kapangyarihan na maaaring pumatay sa aking sarili.
Bago pa siya magsalita ay mabilis kong hinawakan ang kanyang dibdib para pigilan siya sa kanyang sasabihin. Tumingin siya sa akin ng may nangungusap na mata alam kong nag-aalala siya sa ilang kapangyarihang lumabas sa akin sa paglalakbay na ito.
"Save it brother we need to go."
"That'll be the last of it Agnes!" malakas niyang sigaw na bahagyang nagpagulat sa aking mga kasama. Alam kong nagulat sila maskin na ako sa biglang pagtaas ng kanyang boses na sa ilang taon naming pagkakasama ay ni minsan hindi ko narinig ko sa kanya.
Isang tango lamang ang aking naging sagot sa kanya na ngayon ay bumalik na ang kanyang mapag-alalang mukha na alam kong ang aking kapakanan lamang ang iniisip. Mabilis siyang tumalikod sa akin at hinarap ang aming mga kasama.
"The portal Ophelia."
Agad tumango si Ophelia sa saad ni Larco at agad na ikinumpas ang kanyang kamay pero bago pa niya magawa iyon ay isang malaking pader ng yelo ang agad na pumalibot sa amin. Mabilis nitong gumalaw na pilit na iniipit kami sa gitna na agad rin namang nagawan ni Ophelia ng paraan. Gamit ang kanyang kapangyarihan ay nagawa niya itong matunaw na agad rin bumagsak sa aming mga damit.
Mas naging malinaw sa amin ang ilang salamangkerong nakapalibot sa amin na may malalaking ngiti. Na agad na tiningnan ang librong nasa kamay ni Larco.
"Ibigay niyo iyan sa amin at sisiguraduhin ko ang inyong kaligtasan."
Nakalahad ang mga palad ng salamangkero na may nakakalokong ngiti. Alam ko sa sarili kong dehado kami sa laban lalo na't nakapalibot sila sa amin. Isang maling galaw lang ay kaya nila kaming patayin lahat sa isang iglap. Bagaman alam kong hindi ganoon kadali pero sa isang banda'y maaaring ilan nalang sa amin ang makakauwing buhay.
Ang isang nakapagtataka lang ay kung paano nila nalaman ang aming pakay sa Camelot? Paano nila nalaman na dito kami makikita? Sino ang nagsabi sa kanila tungkol sa libro ng Gehenna? Agad ring nasagot ang aking katanungan ng hinablot ng babaeng nagngangalang Barbara na nagawa ko pang iligtas sa pagkakabagsak galing sa himpapawid.
BINABASA MO ANG
After Light: Journey To The Empyrean (Agnes, Book One)
FantasyIn this world, you have to be brave enough to accept that not everybody who fights with you survives the battle. In this world, there is no right or wrong reasons for breaking the law. Once you break it, either for the people, for yourself, for your...