Chapter 23

48 5 0
                                    

I look at the busy streets of Elviticus by the window. The sun is rising so are the daily routine of the elves in this kingdom. Papalabas na sana ako ng kwarto ng hinarang ako ng dalawang babae na siyang nagdala sa akin ng lalaki kagabi. May dala silang nakatuping damit at ilang mababangong bulaklak. Bago pa ako makapagreklamo ay dinala nila ako sa paliguan at sila na mismo ang naghanda ng aking susuotin habang pilit na pinag-papahinga ako na nakalubog sa tubig at napapalibutan ng preskong rosas.








Matapos nito ay pinaalis ko na sila dahil sa totoo lang ay kaya ko namang magsuot ng damit mag-isa. Suot ang isang puting damit na hanggang talampakan ang haba na walang mangas ang disenyo nito. Simple lang ang gamit na tela pero litaw ang magandang pagkakagawa nito. Sinigurado ko munang tulog si Draco at lumabas sa palasyo ng hari at reyna na siyang pinag-patuluyan nila sa amin.










"Magandang umaga"










Ilang daang beses ko nang narinig ang pagbati na yan galing sa mga mamamayan ng Elviticus, mapa-bata, matanda at mga kawal ng kaharian. Mapayapa ang lugar kahit na alam ng lahat na may nagbabadyang panganib. Hindi ko alam kong mabuti ang trato nila sa amin dahil mga panauhin kami ng kaharian o dahil may kailangan sila sa amin.







Dalawang pigura ng tao ang nagpatigil sa akin sa paglalakad. Seryoso silang nag-uusap habang nakatalikod sa aking gawi at nakaupo sa isang bangko ng parke. Papaalis na sana ako ng mahagip ng aking tenga ang kanilang pinag-uusapan ng hindi sinasadya.









"Nasabi mo na ba kay priestess Agnes?" tanong ni Ophelia sa kanya.









"No and I don't plan on telling her." sagot ni Larco. "Just give me more time okey?" malumay niyang dagdag sabay pisil sa kamay ni Ophelia na kanina pa niya hawak.











"Kailangang malaman ni Priestess Agnes ang totoo Larco, na ang ako ang nakatadhana sayo at...." Hindi ko na pinatapos ang kanilang pinag-uusapan dahil may kong anong pakiramdam sa aking utak at puso na gustong patayin si Ophelia. Pumasok ako sa loob ng kwarto at ibinagsak ang aking sarili sa kama. Going out might be a bad idea afterall.









I sigh.










Alam ko ang responsibilidad ko sa syudad pero hindi ko maikakaila matapos ng ilang kaganapan kay Larco ay napagtanto kong hindi ko kayang talikuran ang aking tungkulin sa syudad at sa mga taong umaasa sa aking pagbabalik pero may isang bahagi sa isip kong nagtatanong na kung sakaling susugal ba ako magiging masaya ba ang mga tao sa paligid ko? Magiging masaya ba sila kung makita nila akong malaya, nagmamahal at masaya?









Probably not.







I have been living life with a plan, a goal, a tactic to survive. Pinanganak akong maglilingkod sa syudad at mamamatay akong ganoon pero nag-iba ang takbo ng aking isip ng magsimulang tumibok ang aking puso. I may have experience this beautiful feeling but I cannot live with this. Love will win no war, will kill no enemies but only a weakness that will give enemies the advantage.








I hold Draco in my arms and walk the long aisle to the main hall of the palace. Bumungad sa akin ang aking mga kasama na nasa harap ng tagapagsalita ng hari at reyna habang tinatalakay kung paano papasukin ang kaharian ng mga higante.







"So, his majesty's warriors will enter the main gate after the walls is torn to the ground. Ang kanilang matataas na bakuran at pangangatawan ang kanilang sandata, kaya kailangan nating malaman ang kanilang kahinaan." salaysay ni Larco na seryosong nakatingin sa mapa ng kaharian ng higante habang nakapatong ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa.








After Light: Journey To The Empyrean (Agnes, Book One)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon