Chapter 4:Bestfriend Bonding

10 1 0
                                    

After I regret all of the mess that I had caused to my husband. I ask for 1 month vacation to think and fix myself through get away from worries.

Hoy Zay, one week ka ng nandito. Kelan mo ba kasi iku-kwento ang lahat ng nangyayari?

Angel naman, kaya nga ako nandito kasi gusto kong makapag isip tapos kukulitin mo ko?

Malay mo makatulong ako, Zay hindi ka naman ganyan ah.

Kasal na ako.

Ano? Bestfriend mo ko tapos di ko alam. Saan naman kayo kinasal?

Yon nga ang hindi ko alam e, naalala mo ba nung nagising ako sa hotel ng mag isa at nakahubad? Yon pala yong araw na ikinasal ako.

Aba, sino naman ang asawa mo?

Si Izaak Jensen, --

Yong kapatid ni Ethan?

Oo.

Halos buong maghapon din kaming nagkwentuhan ng matalik kong kaibigan. At lahat ng nangyari sa akin ay alam nya. At dahil pinagkakatiwalaan ko sya, pati ang tungkol sa divorce at naikwento ko. Alam ko naman na iyon na ang pinaplano ng asawa ko. At alam kong hindi nya na hahayaan na maitali sa babaeng hindi nya naman gusto.

Zay, magpahinga kana bukas na bukas, ililibot kita dito sa Probinsya namin para naman kahit paano marelax ka.

Sige, salamat ha kasi lagi kang nandyan para sakin.

Aba oo naman, what are best of friends for? Diba?

Sige na magpapahinga na ko, excited na ako para bukas.

Umalis na rin si Angel, magpapahinga narin ako.

Sa Probinsya ng Zambales nakatira si Angel, payapa at masagana ang buhay. Masaya ang buhay nila kaya naiingit ako dahil, may kakayahan nga kaming bilhin ang lahat ng gusto pero ang pagmamahal at kasiyahan na inaasam ay di kayang bilhin.

Naligo at natulog narin ako, marami pa kaming pupuntahan bukas.

Maaga akong nagising dahil narin siguro excited akong pumasyal. Nagdala ako ng swimming trunks para narin handa ako kung sakaling may puntahan kaming resorts. Paglabas ko ng kwartong inuukupa ko, nandun na si Angel na naghihintay.

Angel, let's go. Ready na ako.

Sa Pundakit tayo unang pupunta, sunod sa grilled house, at lastly sa farm namin. Dyan lang kita maidadala sa ngayon, wag ka mag alala sisiguraduhin kong hindi mo makakalimutan ang araw na to.

Okey, tara na.

After 30 minutes of driving nakarating din kami. It looks peaceful, nakakawala ng pagod.

Nagtayo kami ng tent sa malilim na parte, nandun yong mga gamit namin lahat. Hindi naman iyon kalayuan kaya mapapansin parin namin kung may tao bang pupunta duon. Hindi na ako makapaghintay, kahit hindi pa ako nakapagpapalit ng pangligo, agad akong nagpunta sa medyo malalim na parte ng dagat, ramdam ko ang bawat pag iingay ibang tao doon, tawanan at hagikgikan ang maririnig mo.

Until I Reach The Star AgainWhere stories live. Discover now