My son give me reason to live and he is more than a gold, he is my treasure.
Pagkagising ko, nakita ko naman agad ang anak ko sa lapag na naglalaro.
Bumangon na ako saka ko sya nilapitan.Baby, anong gusto mong breakfast? Pancake?
Tumango lang nanaman ito. At dahil maaga pa naman para pumasok. Gumawa muna ako ng pancake. Pagkatapos kong lutuin iyon, pinakain ko muna ang anak ko.
Want more? Baby?
Yes po mommy.
Papasok nanaman si mommy ha. Maiiwan ka ulit dito. Ano gusto mong pasalubong?
Ilang segundo muna ang nagdaan bago sya tuluyang sumagot
Is cleam po mommy, is cleam.
Umakto pa itong natutuwa.
Ice cream baby? What flavor?
Koleyt and nilla mommy.
Chocolate and vanilla ice cream for my Little Jensen.
Yey.
Tinapos ko naman ang pag papakain sa anak ko. Nang masigurado kong ubos na ang pancake. Inabutan ko naman sya ng gatas.
Nag asikaso naman ako bago tuluyang pumasok sa trabaho ko.
(IZAAK)
Paggising ko, naligo, kumain at inayos ko na yong ibibigay ko sa anak ko. Tinawagan ko muna si Edna bago ako tuluyang umalis ng pansamantalang tinitirhan ko.
Hello, Izaak!
Hello, Edna babalik ako dyan ngayon.
Okey.
Pinatay ko na ang tawag. Gusto ko lang naman ipaalam kay Edna na babalik ako sa tahanan nya. Nang tuluyan na akong nagpahatid kay Mang Robert nakita ko naman agad si Edna sa labas ng bahay dito. Pagbaba ko ng sasakyan, sakto naman na lumabas si Izaakie. Agad naman akong sinalubong nito.
Dada!
Nagulat naman ako ng bigla akong tawaging Dada ng anak ko. Kinarga ko muna ito saka ko inabot ang paper bag na dala ko. Naglalaman iyon ng mga pinamili ko maliban lang sa bracelet.
Pagpasok namin sa loob, pinag usapan muna namin ni Edna kung ano ang plano. Sa susunod na taon pa naman iyon, kaya konting usap ang ang kinailangan namin.Napansin ko naman agad ang anak ko na binubuksan na ang paper bag na dala ko. Napangiti ako ng laruin nya ang bigay kong stuff toy na aso ang disenyo. Tinititigan ko lang ang anak ko sa ginagawa nya. Maya maya pa, humiga na sya sa kama gamit ang unan na seafood. Bigay ko din iyon sa kanya. Napansin naman ako ni Edna na nakatitig sa anak ko.
Izaak, salamat sa binigay mong stuff toy, damit at unan ni Izaakie. Ang gaan ng loob sa iyo ng batang iyan! Tsaka parang magkamukha kayo. Matutuwa si Zay nito pag dating.
Dahil sa kagustuhan kong itago na alam ko ng may anak kami ni Zayyie, kakausapin mo si Edna para matulungan nya akong makasama ang anak ko kahit patago. Kahit ilang taon kong itago ang nalalaman ko sa asawa' anak ko basta hihintayin kong si Zayyie mismo ang babalik sa akin sa Pilipinas.
Edna?
Sige ano ba iyon?
May gusto sana akong ipaalam sayo. Gusto ko sanang manatili itong sekreto sa ating dalawa.
YOU ARE READING
Until I Reach The Star Again
RomanceLove is not all about on what you feel to someone but on what you can do to prove it.