Broken heart takes time to heal.
Sa halos dalawa linggo kong pananahimik sa bahay, napag isip isip ko na kailangan kong harapin ang katotohanan. Hindi ko lubos maisip na yon ang naging dahilan nila para gamitin ako.
Sa pagmumuni muni ko, bigla namang pumasok si Nanay Lucia.Anak, anong oras ka aalis? Magtatanghali na.
Ah, eh maliligo lang po ako. Tapos aalis na din po ako nay.
Oh, sige pala nak, mag iingat ka ha.
Maliligo ako ako tapos aalis na ako, pupunta ako para kausapin si Izaak kung ano ba ang plano nya.
Umaasa rin kasi ang isang kasambahay na pupunta ako, lulutuan kasi ako ni Manang ng paborito kong Sinigang.Pagkatapos kong maligo, nag paalam na ako kay nanay. Pinaharurot ko iyon patungo sa bahay nila Izaak. Pagdating ko, nakita ko kaagad si Ethan na pasalubong sa akin.
Buti naman bumalik kana, kumain kana ba?
Hindi pa, si Izaak pala nasaan?
Ah eh, hindi ko nga alam e.
Sa tono ng pananalita nya, may kung anong kaba akong narinig. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko may tinatago sya sakin.
Ah ganun ba? Sige ilalagay ko lang tong gamit sa kwarto namin.
Ah, kasi Zay may ano e, may naglilinis kasi sa kwarto.
May tinatago sya sakin, pansin ko yon. Papasok ako sa kwarto, kailangan kong malaman kung bakit nagsisinungaling si Ethan sakin.
Ha? Bakit?
Makalat kasi ang kwarto ni Izaak e, pinapalinis ni Mommy
Okey lang yan, ilalagay ko lang naman yong gamit ko e.
Hindi ko na hinintay ang sagot nya. Nag tuloy tuloy ako sa paglalakad, bubuksan ko sana ang pintuan ng bigla kong marinig ang sigawan sa loob.
Izaak, makinig ka muna kasi sakin, hindi ko naman sinisira ang kasal nyo. Tsaka hindi mo naman talaga sya mahal diba?(Annette)
Pwede ba Annette, may asawa akong tao. Kahit naman ganun ang nangyari ayoko parin ipamukha sa kanya na wala akong pakialam. (Izaak)
May pumatak nanaman na luha sa mata ko, kahit alam kong wala syang pakialam, masakit parin palang marinig mula sa bibig nya ang mga salitang yon. Aalis na sana ako ng bigla kong marinig ang isang bagay na ayokong marinig.
May asawa ka nga, mahal mo ba? Buntis ako Izaak kaya nga ako nandito e para sabihin sayo. (Annette)
Mahal nya nga ba ako? Kahit alam ko ang sagot ayoko paring marinig yong magiging sagot nya. Bagsak ang balikat ko, mahinang iyak nalang ang ginawa ko.
Pag baba ko nandun parin si Ethan, malungkot at mga mata nito. Malungkot siguro dahil nagsinungaling sya sakin.
Maya maya pa, lumapit naman sakin si Manang.Mam Zay, okey lang ho ba kayo?
Hindi pa muna ako sumagot, gusto kong isigaw na hindi ako okey, na hindi ako masaya, na hindi ko kayang maging masaya. May anak ang asawa ko, at ang masakit? Ay hindi ako ang magiging ina ng anak nya. Ilang minuto rin akong nakatulala bago tuluyang sumagot.
YOU ARE READING
Until I Reach The Star Again
RomanceLove is not all about on what you feel to someone but on what you can do to prove it.