Chapter 11:Sufferings

13 1 0
                                    

I suffered a lot because of my responsibility as a mother.

Papasok na ako sa Restaurant na pinag papasukan ko, bumaba naman na ang lagnat ni Izaakie.

Izaakie ang pangalan ng anak ko.
Izaak ang pangalan ng daddy nya at Zayyie ang mommy nya which is ako. Pinagsama ko lang iyon, Jensen parin ang apilyedo nya dahil nang umalis ako hindi pa naman nailalakad ang Divorce Paper namin ng daddy nya.

Absent ako kahapon sa trabaho dahil nga may lagnat ang anak ko. May magbabantay naman sa kanya ngayon.

Baby, papasok na naman si Mommy, behave ka lang dito ha. Iloveyou baby. Pag uwi ni Mommy marami ka nanamang hugs and kisses.

Humalik muna ako sa noo nya bago ako pumasok. Hinatid naman ako ni Mang Nelson, Pilipino rin ito kaya madaling pakisamahan. Sya yong naghahatid sakin sa trabaho.

Pagkatapos kong manganak, ilang buwan lang, nagtrabaho na ako. Ayoko namang iasa ang lahat ng gastos ko sa magulang ko, madalas silang dumalaw sakin dito. Nung nanganak ako, dapat Alcantara ang ipapagamit nila Mommy na apilyedo ng anak ko dahil hiwalay naman na daw kami ni Izaak, hindi naman na daw kailangan gamitin pa ang apilyedo nito. Pero dahil nga yon ang nasa pasaporte ko, at nakakabit parin sa pangalan ko ang apilyedo nya, iyon ang ginamit namin. Dahil hindi tinanggap ng ospital ang dahilan ko.

Madalas din daw tanungin ni Ethan kung nasaan ako pero hindi nila sinasabi. Hindi ko nga alam kung nasabi na ba ni Ethan kay Izaak ang tungkol sa pagbubuntis ko noon, pero alam kong tumupad si Ethan sa pangako kasi kung sinabi nya na iyon sa kapatid nya, malamang alam na nila kung nasaang lugar kami ngayon ng anak ko.

Zay, kamusta na ang anak mo? Magaling na ba?

Ahh, hindi pa e pero bumaba naman na ang lagnat nya.

Kung ganun, bakit ka na pumasok? Dapat binantayan mo muna.

Naku, alam mo na kailangan ng pera, may magbabantay naman na sa kanya.

Mabuti naman kung ganun, makakapag trabaho kana ulit.

Oo naman. Buti nandyan ang Tita Edna para mag alaga sa kanya ngayon.

Sumingit naman sa usapan si Diana, si Jona naman yong una kong kinausap.

Alam mo ba Zay, may gwapong customer kahapon mukhang galante pero masungit e.

Nako, kayo talaga. Pagdating sa mga gwapo ang gagaling nyo.

Aba, oo naman. Mamimili ka na nga lang ng magugustuhan panget pa? Syempre dun nalang tayo sa gwapo.

Napailing nalang ako sa dahilan nila, sa buhay walang saysay ang gwapo at maganda kung di ka naman kayang mahalin ng kagaya sa pagmamahal na kaya mong ibigay.

Halos panggatlong trabaho ko na to. Naging katulong, baby sitter, at ngayon waitress. Mahirap ang maging katulong, halos lahat trabaho mo, uuwi ka ng bahay na pagod na pagod. Mag lalaba, mag paplantsa,magdidilig ng halaman,mag lilinis, magluluto, all around ang trabaho. Baby sitter naman, mahirap kung sobrang kulit at iyakin, mapapagod kang patahanin ang bata pag ganun ang nangyayari. Pero sa tuwing darating ako galing trabaho, makita ko lang ang maamong mukha ng anak ko, tila ba nawawala kaagad ang pagod ko.

Hindi iyakin ang anak ko, madali lang naman itong patahanin. Madalas din itong ngumiti ng kusa, hindi kagaya ng iba na kailangan ka pang mag mukhang katawa tawa bago mo sila mapatawa.
Noong una hindi ko pa sya maalagaan ng maayos dahil unang baby ko sya pero nung tumagal, kahit paano madali nalang para sakin.

Until I Reach The Star AgainWhere stories live. Discover now