Chapter 9:Divorce Paper

13 1 0
                                    

The solidarity of Marriage is when you're with your lover's affection.

Tinawagan naman ako ni Ethan, pinapapunta kasi niya ako sa bahay ni Izaak ngayon, may importante daw kasi itong sasabihin sakin.
Bumangon ako para mag asikaso na, pagkatapos kong maligo, kagaya lang din kahapon ang suot ko, leggings at simpleng blouse lang ang suot ko, nakaslipper lang ako. Pagbaba ko ng hagdan nag aalmusal na sila.

Hindi kana namin ginising anak, ayaw naman naming istorbuhin ang pagtulog mo.(Daddy)

Okey lang po dad, aalis nga pala ako ngayon pupunta ako kila Izaak.

Ahh sige pala mag iingat ka anak ha.(Mommy)

Opo mom, iloveyou both.

Bago ako umalis, humalik muna ako sa pisngi nila, nasa kalagitnaan ako ng byahe ng may humarang sa daraanan ko. Bumaba ako para kausapin ang kung sino mang humarang sakin ng mapansin ko si Annette na pababa na din ng kotse.

Lumapit sya sakin at bigla nalang akong sinampal, hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla ng magsalita sya.

Hindi na ako nakakapagtimpi sayo, oo nga't ikaw ang asawa pero ako parin ang magiging ina ng mga anak nya. Makikita mo at hihiwalayan ka nalang nya. Saka ako tatawa ng malakas pag nangy----

Hindi nya pa natatapos ang sasabihin nya nang lumapat ang palad ko sa pisngi nya, malakas iyon dahilan para naman mahimasmasan sya sa kagagahang pinag gagagawa nya.

Oh my dear Annette, look at yourself. Daig mo pa ata ang aso kung makalapit sa asawa ko, sabagay saan ka nga ulit nagtatrabaho? Sa bar? Sa pagkakaalala ko naging parausan ka ng asawa ko, ang sakit nga isipin na ipagpapalit nya na nga lang ako sa kagaya mo pa.

Hindi ko na hinintay pa na sumagot sya, sumakay na ako sa kotse ko pero dahil nakaharang sya kinailangan ko pang sumigaw para paalisin sya sa daraanan ko.

Hoy babae, umalis ka na sa daraanan ko bago pa magdilim ang paningin ko, masagasaan pa kita. Kawawa naman yang baby mo pag nagkataon!

Pinahalata kong galit ako, agad namang sumunod ang higad na yon.
Pagkaalis ko dun na tuluyang nag silaglagan ang mga luha ko. Naalala ko na naman ang sinabi niya, nalulungkot at nasasaktan ako kasi totoo yon, at kahit naman magiging ina rin ako ng anak nya, hindi ko parin maiwasang mainggit. Tama ang higad na yon, hihiwalayan nya din ako.
Pagdating ko sinalubong naman ako kaagad ng Nanay ni Izaak, bakit kaya ito nandito?

Kamusta kana iha, tumataba ka ata.

Ah e, oho napansin ko nga rin ho iyon hehe.

Alam mo na ba kung bakit ka nandito ngayon?

Kasi may sasabihin daw po sakin si Izaak na importante.

Oo, tara pasok na tayo sa loob.

Pagpasok namin sa loob, nandun na sa may hapag kainin si Sir Ethanos,Izaak at Ethan. Madalas kasi doon mag uusap usap pag may importanteng bagay na pag uusapan. Umupo na ako sa bakanteng upuan na katabi ni Ethan, may hawak naman si Izaak na papel, hindi ko pa iyon nakikita kaya naman naguguluhan ako kung ano ang pag uusapan namin.
Maya maya pa nagsalita na si Sir Ethanos.

Until I Reach The Star AgainWhere stories live. Discover now