WIB II

988 37 1
                                    

Cyrus Pov

"Aera! What the h*ck you think you are doing?" Sigaw ko habang nakatakip Ang mga Mata ko, pero syempre sumisilip ng konti.

Teka? Bat ba ako nagtatakip Ng Mata at nahihiya sa kanya? Last time I check, asawa ko si Aera.

"Fudge! Could you please wear your clothes." Utos ko sa kanya pero sa mukha nya Lang ako nakatingin, ayaw Kona ibaba Yung tingin ko kase baka tuluyan talagang bumaba hanggang sa pinakababa at sobrang baba pa.

Tinignan nya Lang ako ng may halong pagtataka, saka hinawakan Ang noo ko.

"A...anong ginagawa mo?" Nauutal Kong tanong habang chinicheck nya Yung temperature ko. Teka? Bakit nya kailangan Icheck Ang body temperature ko?

"Namumula ang iyong mga tenga, gayun din Ang iyong pisngi, ga-butil Ang laki ng iyong mga pawis at mabilis ang tibok ng iyong puso. Gayunpaman, Hindi ka Naman inaapoy ng lagnat. " Agad Kong hinawi Yung kamay nya at hinila Ang katabi Kong kurtina saka iyon ibinalot sa kanya.

Ako pa talaga Ang tinanong nya Kung bakit ako namumula?

Mabilis Ang tibok ng puson? Di Naman tumitibok ang puson ah. Aishhh. Ang puson ay sumasakit kapag nakararamdam ang isang Tao ng tinatawag na lib*g. Oo Tama ka! Libag Yun. Libag!

"Bakit mo ako binabalot?" Napasampal nalang ako sa noo ko. At saka sya isinandal sa pader.

"Makinig ka sakin babae, huwag na huwag mo ng uuliting lumabas na walang saplot. Dahil kung Hindi..." Nawala ako sa sinasabi ko ng kusang tumingin ang Mata ko sa mga labi nya.

Pwede bang dukotin ko mo na Ang traydor Kong mga Mata.

"Dahil Kung hindi?" Tanong nya sa naputol Kong litanya. Napalunok nalang ako saka sya itinulak palayo sa akin.

"Masagwang nakikita Yun. Mahalay! Bastos! Hindi kaaya Aya sa Mata! Walang delikadesa at kahihiyan." Tuloy tuloy Kong Sabi sya Naman ay pa tango tango Lang.

Parang diko sya kilala! Tss. Si Aera Ang babaeng, tatango pero di Naman talaga nya naiintindihan Ang sinasabi mo.

"Naiintindihan ko ginoo, subalit Hindi Mo na ako kailangan pang pangaralan dahil kailangan ko ng umalis. Malayo pa Ang Aking lalakbayin." Walang emosyong Sabi nito saka, iwinasiwas palayo Ang kurtinang ibinalot ko sa kanya.

"Kung Hindi pala kaaya-aya ang walang kasuotan, nais Kong bigyan mo ako ng kasuotang katulad ng sa iyo." Seryoso nyang Sabi na nagpahalakhak Naman sa akin.

"Hindi ko akalain na aabot Hanggang dito Ang pagpapanggap mo Aera. Alam ko na wala Kang amnesia! Kaya wag kana nagsinungaling pa."

"Ano bang ibig mong sabihin?"

"Ayon sa results ng mga X-ray tests at sa computed tomography scan ,walang anomang naging pinsala sa utak at katawan mo. "

"Wala nga. Ginoo simula ng imulat ko Ang Aking mga Mata, Wala Naman akong sinabing may karamdaman ako. Hindi Mo Rin ako kargo, Wala Kang pananagutan sakin. Kaya nais kong bigyan mo na ako ng kasuotan." Napaawang nalang Ang bibig ko sa sinabi nya.

"Tss. Sige tignan nalang natin Kung Hanggang saan ka tatagal." Sasakyan ko lahat ng mga kalokohan mo. Tignan Lang natin Kung Hindi ikaw Ang sumuko.

Warrior in BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon