WIB V

552 27 1
                                    

Aera's Pov

Habang hinahalikan ko sya iba yung pakiramdam, tila agos ng tubig na magpapahina ng tuhod at tuluyan Kang aanurin at tatangayin

Ang mga labi nya'y minatamis na tiyak na maadik ka at di mo na kayang tigilan.

Aaminin ko, masarap Ang kanyang mga halik. Nakakadala at nakakaanod!

Nakita ko namang kunot noong pumasok si Lusiya sa loob ng bahay.

Kaya't napangisi ako sa pagitan ng mga halik namin ng mahinang nilalang nato!

Batid kong nakikilala nya kung sino ako, marahil may alam sya sa akin.

Batid nya kaya na sinapian ko lamang ang katawang hawak ko ngayon?

Batid nya kayang Hindi na ako Ang dating Aera?

Agad ko naming itinulak palayo sa akin si Cyrus noong masigurado kong nakaalis na si Lusiya.

Nang ako ay mahimasmasan at makitang nakalayo na si Lusiya ay naghiwalay narin kami.

Masyado na kaming nadadala ng tawag ng tukso at ng bugso ng pagkakataon.

"A...Ano bang problema mong babae ka ha?!" Galit nyang sigaw saka ako iniwan. Ano bang ikinagagalit nya? Eh gumanti pa nga sya ng halik sa akin? Marahil ay nabitin sigiro sya. Ganun ba ako kagaling humalik?

Ang mahinang nilalang na iyon, Alam kong mahal na mahal nya ang nagmamay-ari ng katawang ito, ngunit bakit natatakot syang aminin?

Haissst. Hindi ko na problema iyon.

Umahon na rin ako sa tubig ng may biglang yumakap sakin na matandang babae.

Kung di ako nagkakamali ay nasa ika-kuwarenta na ang edad nya.

Niyakap nya ako ng mahigpit ngunit agad naman syang hinila ng kasama nyang matanda na nasa ganong edad din.

"Huwag ka ngang lumapit dyan sa halimaw mong manugang. Halika na sa loob Mineya." Hindi na lamang sila pinansin at agad na tinalikuran ito. Bakit ako masasaktan , Hindi Naman ako Ang halimaw ,kundi Ang may ari ng katawang Ito

Kung iisiping maigi, Hindi talaga ako ang tinutukoy nya.

"Wala ka pa rin talagang galang sa amin ng Mama mo huh Aera?" Agad na napakunot ang noo ko at dahan dahan muling humarap sa kanila. Mama? Ano Ang Mama?

Yun ba Yung mapupulang buto ng aswete at nganga na mga tabako?
Marahil Yung nga Ang Mama!

Teka lalakeng matanda Yung MAMA diba?

"Mama? Kailan sya naging Mama gayong Isa syang tao at Hindi buto ng aswete? Saka Hindi sya lalake para maging Mama!?" Takang takang tanong ko

Ibig sabihin ng Mama ay yung lalake! Tama ako diba?

Maya -maya pa ay lumapit sa akin ang matandang lalake at ambang sasampalin ako. Ano bang ginawa kong mali?

Nang pakawalan nya ang kanyang sampal ay umilag lamang ako at hinayaang syang mawalan ng balance, sa husay kung tumantsa, sigurado ako na sa galaw nyang iyon ay di ako tatamaan o matitinag manlang sa aking kinatatayuan.

"Mahinang nilalang!" Bulong ko saka napangisi.

Dahil na din sa tindi ng lakas na inilagay nya sa sampal na iyon, ay agad syang nahulog sa balon na walang isda.

"Aera what have you done to my dad?!" Agad naman syang sinaklolohan ni Cyrus at tumingin ng masama sa akin habang inaahon Ang matanda na walang modo.

Warrior in BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon