WIB VII

445 26 1
                                    

Aera's POV

Hindi ko alam kung paano ibalik ang lahat sa dati, o Kung bakit napasok ako sa katawang ito?

Gayunpaman, kahit na makasariling isipin nakokonsensya ako na sabihing masaya akong mabuhay muli sa katawan mo Aera.

Hayaan mo at hangga't hindi ko pa alam kung paano ito ibabalik sayo, ipinapangako ko gagawin ko ang lahat para maging maayos lahat sa pagbabalik mo.

"May problema ba?" Tanong sa akin ng mahinang nilalang habang nakatingin din sa kalangitan gaya ko. Andito ako sa hardin nakatingin sa mga bituin sa kalangitan habang nakahiga sa damuhan at dinadama ang paghaplos t pagdampi ng hangin sa aking mukha.

Tinatanong ko ang tala kung bakit kailangan kong magbalik sa katawan ng iba. Bakit sa panahong ito? Anong dahilan?

Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa kanya.

"Kung sasabihin ko bang hindi, magagawa mo bang baguhin ang aking suliranin at nararamdaman?" Sagot ko sa kanya ng hindi tumitingin sa mukha nito.

Habang itinatanong ko sa kanya ang katanungang ito ay pansamantala syang nanahimik at bumuntong hininga.

"Ako ba ang problema mo Aera, ako ba ang dahilan ng lahat ng paghihirap mo?" Batid kong malungkot ang tono nya kaya't humarap ako sa kanya habang sya ay nakatitig parin sa langit, hinawi ko ang mukha nya at ipinaharap sa akin.

"Walang dahilan para maging suliranin kita, napakabuti mong tao para kamuhian ko." Nakangiting sabi ko saka ko hinaplos ang buhok nya. Nakita ko namang nagsimula na naman syang mawala sa sarili kaya't lihim na lamang ako napatawa.

"Paano kung maalala mo na lahat? Paano kung bumalik ang ala ala mo at kamuhian mo na ako?" Malungkot nyang sabi sabay hawak ng kamay ko. Hindi ko man hawak ang ala ala nya Cyrus, o Hindi man ako sya. Isa lang ang alam ko.

Alam ko na mahal na mahal mo si Aera.

Kaya sana wag kang matakot na aminin yun sa sarili mo. Huwag kang matakot na mahalin sya.

Hayaan mo't aayusin ko ang mga di nyo pagkakaintindihan.

"Hawakan mo lang ang kamay ko at tiyak kong papatawarin papatawarin ka ni---- I...ibig kong sabihin papatawarin kita." Napalunok ako sa sinabi ko at mapaklang napangiti. Poltre (sorry) Aera, at tila binabago ko ang tadhana't kapalaran mo.

"Para ka ng ibang tao Aera, pero ganunpaman mas gusto ko kung sino ka ngayon." Agad akong napabitaw sa pagkakahawak nya at agad na bumangon sa kinahihigaan kong damo ng hardin.

Bumibilis ang tibok ng puso ko!

Sa ano mang kadahilanan ay hindi ko alam kung bakit?

Hindi ko mawari kaya't hinawakan ko ang aking dibdib at pansamantalang nag isip.

Ngayong nasa katawan ako ni Aera possibleng tumitibok lamang ng ganto kabilis ang puso ko dahil ... Dahil May pagtingin sya kay Cyrus.

Tumayo na ako at pumasok sa loob ng kwarto ko. Mabuti na lamang at May sarili akong silid. Hindi ko kailangan matulog sa tabi ng mahinang nilalang na yun.

Nahiga na ako sa higaan at nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng aking silid at iniluwa nito si Cyrus na may dalang sarili nyang kumot at ulan.

Nanlaki ang mga mata ko, at pilit na itinago ang gulat kong emosyon.

Ngumiti ito sakin saka humiga sa tabi ko.

"Matulog na tayo, natatakot akong matulog mag isa." Napaawang ang bibig ko at bumagsak ang dalawang balikat ko sa lupa.

Warrior in BedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon