Prologue

49 7 0
                                    

Dixon University will have a Swimming Competition. Steve and his friend Migz are among the participants and other swimmers from different universities.

The competition begins, with Steve and Migz taking the lead. Stephen was not far away, watching and unable to take his gaze away from Steve.

He was staring at Steve until the end of the competition, as if he was the only one there.

Nang maanunsiyo na si Steve ang panalo at ang kaibigan nito ay hindi niya maitago ang isang ngiti, hindi maitago na proud siya.

Matapos mabigyan ng tropiyo si Steve ay lumapit ito kung saan naroroon si Stephen. Aalis na sana ito ngunit napigilan siya nang magsalita ito.

"Sabi ko na nga ba panonoorin mo rin ako," nakangiting sabi ni Steve rito kaya napaiwas naman ng tingin si Stephen. Hindi naman mapigilan ni Steve na ngumiti dahil sa nalaman niyang pinanood siya ni Stephen. Walang mapaglagyan ang kasiyahan niya dahil akala niya ay hindi ito makakapunta.

"A..no napada...n lang," nauutal na pagdadahila  nito habang nasa ibang direksyon nakatingin.

Natawa naman si Steve rito at napailing. Ang kaibigan naman nitong si Migz ay pinanood silang dalawa. Nakangiti ito at naiiling sa dalawang nag-uusap sa harap niya.

"Aminin mo na kase bro pinanood mo talaga itong kaibigan ko," natatawang sabi ni Migz kaya tiningnan siya ng masama ni Stephen. Nahihiya ito dahil nahuli na nga siyang nanood tinutukso pa siya ng kaibigan ni Steve.

"Wala man lang bang congrats diyan?" tanong ni Steve habang tumataas taas ang kilay, tila nang-aasar. Nilingon ni Stephen ang paligid at pinapanood na sila ng mga studyanteng nandoon. Pakiwari niya ay vinivideohan na sila dahil sa mga nakalabas ang phone at nakatutok sa kanilang dalawa. Lumingon naman siya kay Steve na nakangiti sa kaniya at nag-aabang ng sasabihan niya.

"Co..ngrats" nauutal pa rin nitong sabi dahil nahihiya ito sa kaibigan ni Steve at ang mga estudyanteng nasa paligid nila. Lumapit naman sa kaniya si Steve at may ibinulong.

"Thank you. I love you," bulong ni Steve sa tenga niya na naghatid sa kaniya ng kiliti. Nararamdaman kasi siya ang hininga nito ng bumulong ito sa kaniya. Inilayo naman ni Steve ang mukha niya dito at kinuha ang pagkakataon na 'yon para halikan niya sa pisngi si Stephen. Nagulat naman si Stephen dito habang ang mga estudyanteng nasa paligid nila ay nagtilian habang kinukuhanan sila ng litraro.

"Ang sweet!"

"Waaa, ang sweet talaga ni Steve!"

"Namumula si Stephen, when kaya?!"

" Top si Stephen!"

Simula nang mangyari 'yon ay palagi ng nakikita na lumalabas silang dalawa at kumalat na rin ang balita na sila na. Lahat ng makakakita sa kanila ay kukuhanan sila ng litraro at ipopost sa page kung saan nando'n lahat ang mga fans nila. Ang lahat ay kinikilig sa kanila dahil sa hatid nilang kilig sa lahat sa isa't-isa.



Author's Note:

So 'yon guys naisipan kong magsulat ng boys love story dahil na rin sa mga napapanood ko at syempre gusto ko rin magsulat. And sana maenjoy niyo itong story ko. Take care and stay at home. Goodluck rin sa studies niyo!

Social Media Account:

Twitter:ry_alday

Instagram:heartalday

Facebook:Mary Heart Joy Alday

Tiktok:iamharkalday

Likee:harkkkkkk

StephenSteve(BL Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon