Chapter 4:The Flumes

27 4 0
                                    


Nang matapos kami kumain ay nagaya sina Migz na maggogrocery daw muna.Bibili daw kasi sila ng mga pagkain para sa aming lahat.Buti nga hindi na sila nagtanong ng kung ano ano pa kasi hindi ko din alam ang isasagot.Tinatanong ko din sa isip ko yung mga tanong na tinatanong nila.

"Sino sasama sa amin maggrocery?"tanong ni Migz at agad namang nagtaas ang dalawa kong kaibigan.For sure,kaya nila gustong sumama dahil pagkain yun.

"E ikaw Stephen di ka sasama?"tanong sa akin ni Xiel.

"Ahm may bibilhin pa kasi ako kaya pass muna"nahihiya kong sabi.Nakakahiya kasi hindi ako makakasama sa paggrocery nila tapos kakain din naman ako.

"Okay lang kita kita na lang tayo sa Swimmer Room"sagot niya at kumaway na sa akin.Pumasok na sila sa grocery store.Pero paglingon ko sa gilid ko ay nandun pa si Steve.Hindi pa to sasama maggrocery?

"Di ka sasama sa kanila?"pambabasag kong tanong dahil mukhang malalim ang iniisip niya.

Lumingon siya sa akin bago sumagot."Hindi uuwi muna ako sa amin may family dinner kami e"

"Ah sige ingat alis na din muna ako may bibilhin pa ako e"paalam ko sa kaniya at kumaway na dito.Kailangan ko pa kasing bumili ng regalo para sa kapatid ko.Malapit na kasi ang birthday nito at baka magtampo yun kapag wala akong regalo.Nakarating ako sa toy store kaya dun na ako naglibot.Alam kung magugustuhan niya ito dahil sa bata pa naman siya at mahilig siya sa  laruan.Pinili ko na lang yung Remote Control Transformation Car Robot.Ang angas kase at sigurado akong magugustuhan niya ito.Binayaran ko na yun at tinext ko na sina Migz na pauwi na ako sa Swimmer Room.Mukhang namimili pa sila kaya nauna na akong umuwi.

Nang makarating ako sa university ay naglakad lakad muna ako.Naglibot libot kasi wala pa akong kasama dun e.Wala din kasi ang ibang member and sina Migz naman ay nasa grocery store pa.Napadaan ako sa School Board at puro mukha ng mga Swimmer ang nandun.Nakadisplay ang mga picture nila na nanalo sila sa competition.Mga annuncement at activity ng university.Nakadisplay din dun ang member ng iba't- ibang club.Hinanap ko agad ang member ng mga Swimmer at nandun na kaming lahat.Lahat ng nakapasok sa try-out ay nandun na.

Ang astig

""Eherm"kunyareng ubo ng kung sino sa likod ko kaya napatingin ako dito.Isang babae pero hindi ko siya kilala.Hindi pamilyar ang mukha niya dito at mukhang hindi nga siya dito pumapasok.

"Ahm ano yun"ilang kong tanong dahil hindi ko naman siya kilala.

Luminga-linga pa muna ito bago sumagot."Ahm nasan ang room ng mga Swimmer?"

Isa din kaya siyang swimmer?

"Halika sasamahan kita papunta na din naman ako dun e"alok ko sa kaniya at sumangayon naman siya.Nareceive ko kasi ang text ni Xiel na nasa Room na daw sila at hinahanap na nila ako.Hinahanap din nila si Steve pero sabi ko ay umuwi ito sa bahay nila dahil magkakaroon daw sila ng family dinner.Nakarating kami sa Swimmer Room at bumungad sa amin ang gulat na gulat na mukha nina Migz at Xiel.

"Bakit kasama mo siya"tanong sa akin ni Migz at inilayo ako dun sa babae.Anong nangyayari bakit gulat na gulat sila?

"Anong ginagawa mo dito wala dito si Steve"sabi naman ni Xiel habang seryosong nakatingin dun sa babae.Bakit parang kilalang kilala na nila yung babae.Sino kaya siya?

"Ahm sige babalik na lang ako bukas for sure nandito na yun"pilit ang ngiting sabi nito bago lumabas.Nakahinga naman ng maluwag ang dalawa at inayos na ang mga pinamili nila.Hindi na ako nakapagtanong dahil mukhang iniiwasan nila yun.Siguro naman bukas malalaman ko na.

"Anong gusto niyong dinner?"tanong sa amin ni Migz.Marunong pala siya magluto?

"Marunong ka magluto?"gulat na gulat na tanong ng kaibigan kung si Kean at tumango naman sa kaniya si Migz.Para siyang ewan parang ngayon lang nakakita ng lalaking magluluto.

StephenSteve(BL Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon