Chapter 1:Try-out

28 5 0
                                    


Ang lahat ay nagreregister sa kung anong club sila sasali.Sina Stephen at ang kaibigan nitong si Zimuel at Kean ay naaisipang sa swimming club magparegister.Nang makapagregister na sila ay agad silang pumunta sa Swimming Club para sa try-out.Nang makarating sila doon ay agad silang lumapit sa dalawang lalaki na nakatayo doon at nakasuot ng Swimmer Parka.

(Swim parkas are often a swimmers' most valued piece of gear... gear that never actually goes in the pool. Instead, parkas are designed to keep swimmers warm and comfortable out of the water. Parkas for swimmers are essentially long coats with a warm lining, a generous hood, and a waterproof exterior.)

"Magtatryout po sana kami" magalang na sabi ni Zimuel habang nakangiti sa dalawang lalaki.

"Sige magpalit na kayo at maguumpisa na" sagot ng isang lalaki na walang emosyon ang mukha.Kaya nagpalit na sila at nagsimula na ang tryout.Napuno naman ng sigawan at tilian ng mula simula hanggang matapos.Nang ibigay na ang oras nilang lahat ay sinabi na din kung sino ang pasok sa Swimming Club.

"Ako si Steve ang Presidente ng Swimming Club at siya naman si Migz ang Vice President ng Swimming Club"walang emosyong pagpapakila nito habang nakaturo kay Migz.

"Welcome to the Swimming Club" magiliw na sabi nung Migz at nagpalakpakan naman ang lahat ng nakapasok.Nakapasok si Stephen at ang dalawang kaibigan nito.Sampu lang ang nakapasok kaya dinala agad sila sa mga locker nila.Nang matapos ay nagsilabasan na sila at pumunta na sa registration. 

"Parang ang sungit nung Presidet no" nakakunot noong pahayag ni Kean habang nakatingin kay na Stephen at Migz na nakaupo sa bleachers ay nagmnamasid masid.

"Sobang sikat kaya nila marami na silang sinalihan na competition at palagi silang nananalo" saad naman ni Zimuel habang may inaabangan.

"Sino bang inaabangan mo diyan?"nakataas kilay na tanong ni Stephen dito at natawa naman si Zimuel.

"Edi yung dalawa pa nating kaibigan ano ka ba naman" natatawang sagot ni Zimuel kaya nakatanggap siya ng isang batok kay Stephen.Habang naghihintay sila ay may nakatingin sa kanila sa di kalayuan at iyon ang magkaibigan Steve at Migz.

"Sila yung nakapasok diba?mga fresher"sambit ni Migz habang nakatingin sa direksiyon nina Stephen.Napatingin din naman doon si Steve at biglang bumilis ang pagtibok ng puso niya.

"Ang cute ng mga fresher" nakangiting sabi ng isang lalaking kararating lang.Siya ay si Xiel ang secretary ng Swimming Club.

"Hoy bat natulala ka na diyan?" nakakunot noong tanong ni Migz sa kaibigan nitong si Steve.Hindi siya pinansin nito at tumalikod na lang para pumunta sa locker room.Naiwan naman sina MIgz at Xiel na nakakunot noo at parang nagtatanong. Nagkibit balikat na lang sila at sumunod na sa Locker Room.

Sina Stephen naman ay umalis na rin dahil dumating na ang dalawa nilang kaibigan na hinihintay,sina Joe at Jix.Nang makapunta sila sa registration ay agad silang pumunta sa room nila.

~STEVE~

Hindi ko alam kung bakit ganon ang naging reaksiyon ko ng makita ko siya.Biglang bumilis ang tibok ang puso ko sa isang guy na dati naman ay sa babae.Love at first sight?corny naman non.Sobrang corny at sa isang guy pa talaga.At member pa ng Swimming Club.Pero may isang bahagi sa akin na natutuwa.Hindi ko mapigilan mapangiti dahil sa unang pagkakataon nagkaroon ako ng interest sa isang guy.Dapat seryoso lang ako at walang buhay pero dahil doon ay hindi ko mapigilan mapangiti.

Love at first sight nga ata ito

"Himala ngumingiti ka ngayon"paepal na sabi ni Migz sa akin habang tumataas taaas ang kilay nito.Nakalimutan kong nandito nga pala ito at si Xiel.Pinagtaasan ko siya ng kilay at tinawanan niya lang naman ako.Kahit kelan pakialamero talaga tong mga kaibigan ko na ito.

"Hindi ako ngumingiti"pigil ang ngiti kong sigaw sa kanila.Kailangan seryoso lang para hindi na sila magtanong kung bakit ako ngumingiti.Ang hilig pa namang nilang makiisyoso at magtanong ng magtanong.

"Kanina natulala ka ng makita mo yung fresher yung Stephen ba yon" natatawang sambit ni Xiel kaya binatukan ko ito.Kahit kelan chismoso tinalo pa babae.Hindi ko na lang sila pinansin dahil dumating na din naman ang prof namin.Buong klase namin ay pinipigilan ko ang ngiti ko.Hindi ko alam kung gusto ko siya dahil nga first time bumilis ng puso ko ng makita ko siya.

Nang matapos ang klase namin ay agad kaming pumunta ng kaibigan ko sa food court.Break time na kase namin ay kailangan na naming kumain.Habang papunta kami sa table namin sa foof court at pinagtitilian kami ng mga studyante na makakasalubong namin.Kumakalat kasi ang mga litraro namin na nasa page at sa School Board dahil sa mga competition na napanalunan namin.Pero kahit ganon naman ay hindi kami nagmamayabang at hindi kami nagmamataas.

"Kami na oorder diyan ka na kamahalan" natatawang sabi sa akin ni Xiel at umalis na nga silang dalawa ni Migz para umorder ng pagkain namin.Kaya habang wala pa sila ay nagphone muna ako.Habang nagiscroll ako sa page ng Swimming Club ay lumabas doon ang mga picture ng nakapasok kanina.Unang una ang picture nung Stephen.Napangiti ako dahil don pero nawala iyon ng may magsalita sa harap ko.

"Pwede makishare Mr.President?" tanong ng kung sino kaya inangat ko ang ulo ko at bumungad sa akin ang mukha ni Stephen at ang kaibigan nito.Sa hindi malamang dahilan ay kinabahan ako pero nagawa ko pa rin sumeryoso.

"Sige lang"walang buhay kong sagot pero sa loob loob ko ay gusto ko ng ngumiti.Naupo naman na sila at nagsimula ng kumain.Dumating na din ang mga kaibigan ko at nagbatian sila.Nanatili naman akong tahimik at nakikinig na lang sa kanila.

"HIndi ko ba alam diyan at natatagalan niyang hindi ngumiti"rinig kong sabi ni Migz.Wala siyang binanggit na pangalan pero alam ko namang ako yun.Hindi ko alam kung kaibigan ko ba talaga sila.

"Lagi niyang sinisigawan lahat ng member sa club namin" natatawang dagdag naman ni Xiel.Gustong gusto ko na siyang batukan pero pinipigilan ko lang ang sarili ko.Mamamaya ko na lang siya gagantihan.

"Baka kasi gusto niya yung ganon para sundin siya" sambit naman ni Stephen kaya hindi ko napigilan ang ngiti ko.Yumuko na lang ako para hindi nila mahalata.

"Naku goodluck sa inyo" pananakot ni Migz kaya natawa naman silang lahat.Mamaya talaga hindi ko hahayaan na hindi ako makaganti sa kanila.Nagtuloy tuloy naman ang kain namin habang nagkukwentuhan sila at ako naman ay nakikinig.Nang matapos ay nagpaalam na kami sa isa't isa pero bago sila umalis ay sinabihan ko sila na may assembly bukas.Nang makaalis sila ay pumunta naman kami sa Club para doon magpahinga at ayusin ang mga gagamitin bukas at ibibigay na keychain,Tshirt at parka para sa mga Swimmer.Gabi na kami ng makatapos kaya sa room na lang kami ng mga Swimmer umuwi para makapagpahinga.Kapag kasi hindi na namin nakayanan umuwi sa bahay namin ay may room naman para sa mga Swimmer.Kami pa lang ng kaibigan ko ang nandito dahil bukas pa lang namin iaannounce na pwede na silang makapasok doon.Agad kaming nagpahinga nina Migz at Xiel para may lakas kami para bukas.

To be Continued~

{Follow niyo na ako guys and vote niyo na ito para masaya tayong lahat HAHAHAHA chour takecare sa inyong lahat mwa!!}


Social Media Account:

Twitter:ry_alday

Instagram:heartalday

Facebook:Mary Heart Joy Alday

Tiktok:iamharkalday

Likee:harkkkkkk

StephenSteve(BL Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon