Chapter 7:Manhid

5 1 0
                                    

Steve's POV

Maaga akong nagising.Pagkagising na pagkagising ko pa lang ay nagayos na agad ako.Bumaba na din ako pagkatapos ko magayos.

"Ang aga mo ngayon a."sambit ko kay Stephen mula sa likod niya.Napaatras siya dahil don bago hunarap sa akin.

"Ikaw pala." sabi niya at umalis sa pwesto niya nang matapos magtimpla ng kape.Ngumiti siya sa akin pero alam kung pilit lang iyon.

"May problema ka ba? May galit ka ba sa akin?" hindi ko napigilan magtanong dahil sa mga inaakto niya.

"Wala naman. Sige na akyat na muna ako sa kwarto ko."sabi niya at umakyat na sa kwarto niya dala ang kape niya.Hindi naman sa nagaassume ako pero parang iniiwasan niya ako.

Wala naman akong ginawa na ikagagalit niya.At saka hindi ko siya maintindihan. Nagbibigay na ako ng motibo sa kaniya pero hindi man lang niya napapansin.

"Oh, ang aga mo a."rinig kong sabi ni Migz na kabababa lang. Bagong gising pa."Magkaaway ba kayo ni Stephen?"

"Hindi, pero ramdam kong iniiwasan niya ako hindi ko lang alam kung bakit."sagot ko. Nahahalata din pala niya na iniiwasan ako ni Stephen.

"Halata ko nga din.Kapag dumadating ka umaakyat na agad siya."komento niya pa. Nagtimpla siya ng kape at naupo naman ako sa sala. Medyo maaga pa naman kaya mamaya na kami magaayos para sa pagpunta sa bahay nina Maxine.

"Bakit ba? Maganda naman si Zhienne a bakit ayaw mo ligawan?" rinig ko sa may hagdan. Sina Stephen at Zimuel ang naguusap.

"Ayoko nga. Iba gusto non at saka hindi ko siya gusto kaya manahimik ka na diyan." inis na sagot ni Stephen.Kahapon ko pa naririnig pangalan nung Zhienne. Hindi ko siya kilala pero parang yung kasama ni Stephen kahapon yung tinatawag nilang Zhienne.

Bumaba na sila at naupo na din dito sa sala. Si Zimuel ang tumabi sa akin at sa isang upuan naman umupo si Stephen. Sure na ako,iniiwasan niya talaga ako.

"Goodmorning pipol" sigaw ni Kean na pababa na din. Nakabihis na siya at ready na umalis.Excited na naman to.

"Bobo mamaya pa tayo aalis nagbihis ka kaagad."sabi ni Zimuel sa kaniya at natawa. Hindi naman siya pinakinggan ni Kean at naupo sa kabilang tabi ko.

Nilingon ko si Stephen at busy lang siya sa phone niya. Nakatutok lang siya doon at parang walang paki sa pinaguusapan namin.

Bakit ba kasi ang manhid manhid niya. Nagpapakita na ako ng mga motibo hindi niya pa din maramdaman.

"Magbihis na kayo, para maaga tayong makapunta kay na Maxine." sabi naman ni Xiel na kababa lang din. Nakabihis na din siya.

Naunang umakyat si Stephen at sinundan ni Zimuel. Nagpahinga muna ako saglit at umakyat na din sa kwarto ko para magayos na din.Saka ko na lsng siguro kakausapin si Stephen kung may problema ba siya.

"Nasa labas na daw sina Maxine. Sinusundo ata tayo." sambit ni Migz nang makababa kami. Lumabas na din kami at nandun nga ang van nina Maxine. Bumukas iyon at lumabas si Maxine na nasa passenger seat.

"Tara na sakay na kayo."yaya niya sa amin kaya pumasok na kami. Saktong isa na lang ang bakanteng upuan ng sasakay ako at iyon ay sa tabi ni Stephen.Busy lang naman siya sa phone niya kaya sumakay na ako.

Gusto ko na talaga siya kausapin pero hindi ako makahanap ng pagkakataon. Kapag gugustuhin ko siyang kausapin umaalis naman agad siya at nagdadahilan na may gagawin kahit wala naman.

"Bakit wala si Blake?"basag ni Xiel sa katahimikan.Hindi kasi sila sanay na sobrang tahimik.

"Naiwan sa bahay. Tumutulong sa paghahanda." sagot ni Maxine. Kinuha ko na lang din ang phone ko at nagbukas ng mga social media account.

StephenSteve(BL Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon