Chapter 2:Assembly

19 3 0
                                    

Ang lahat ay nasa Swimming Club na para sa gaganaping assembly para sa mga baguhang swimmer.Si Migz ang tagabigay ng shirt,si Migz naman ang nagbibigay ng parka at si Steve naman sa keychain at konteng speech.Nagbibigay din naman ng konteng speech si Steve bago niya ibigay ang keychain.Ang lahat ay nabigyan na maliban kay Stephen.Keychain na lang ang kulang sa kaniya.Agad naman itong lumapit kay Steve.

"Goodluck ang nandito lang kami para gabayan kayo Welcome to the Swimming Club" nakangiting sabi ni Steve kaya nagulat siya.Ngayon niya lang kasi nakitang ngumiti ang presidente ng club nila.Palagi itong walang emosyon ang mukha at sobrang strikto.Sinuklian naman niya ito ng ngiti at nagpasalamat.

"Pwede na kayong gumamit ng room dahil isa na kayong member ng club" magiliw na sambit ni Migz kaya nagpalakpakan namana ang lahat.Isa isa na rin silang pumasok sa kaniya kaniya nilang kwarto.Inayos na din ang mga locker nila at nilagyan ng pangalan at picture nila.

Nang matapos ay umalis muna ang lahat para bumili ng mga kakailanganin nila at sumama na din dun sina Migz at Xiel dahil bibili daw sila ng maiinom.Naisipan kasi nilang magkaroon ng kasiyahan at pagsalubong na din daw sa mga bagong member.Naiwan naman si Stephen at lumapit ito kay Steve na nasa gilid ng pool.Tumabi siya dito kaya napalingon sa kaniya si Steve.

"Hindi ka sumama sa kanila?" kunot noong tanong ni Steve sa kaniya kaya tumango naman siya.Namayani na naman ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa.Parehong nakababad ang paa sa pool habang malayo ang tingin.

"Ganiyan ka ba talaga hindi marunong ngumiti?"naiilang na tanong ni Stephen kaya natawa naman si Steve dito.Sa pangalawang pagkakataon ay nagulat na naman siya dahil tumawa ito.

"Kapag siguro nahanap ko na yung makakapagpangiti sa akin sa araw araw magkakaroon na ako ng emosyon" natatawang sagot ni Steve kaya natawa na rin siya.Madami siyang naririnig na hindi pa nila naririnig tumawa o nakikitang ngumingiti si Steve.Sobrang strikto daw nito lalo na sa mga member ng club.Mga kaibigan lang ang kinakausap nito at walang emosyon kung tumigin sa isang tao.

"Ahm si Migz at Xiel magkaano ano sila?" nailang na naman niyang tanong kaya nilingon siya ni Steve.Tinitigan siya nito sa mata at ngumiti.

"Silang dalawa?boyfriend ni Migz si Xiel" puno ng paghanga at sayang sagot nito.Nagulat naman si Stephen dito.Hindi siya makapaniwala dahil hindi naman siya naniniwala sa ganong bagay.Na pwede palang magkaroon ka ng karelasyon na lalaki kahit lalaki ka pa.Hindi naman siya nandidiri sa ganon hindi lang siya naniniwala.

"T--ala-ga?" puno ng gulat na tanong ni Stephen kaya mas lalong natawa sa kaniya si Steve.

"Oo naman hindi halata no?yung relasyon kasi nila parang magtropa lang chill lang kasi gigising silang mahal pa din nila yung isa't isa" nakangiting sagot sa kaniya ni Steve kaya napangiti din siya dito.Napaisip siya na kahit wala palang emosyon si Steve ay alam niya ang nararamdaman ng kaibigan niya at nakikita niyang sobrang saya at proud si Steve sa mga kaibigan nito.Hindi niya mapigilang mapangiti sa sinabi ni Steve at humanga na din siya sa relasyon nina Migz at Xiel.Ngayon naniniwala na siya na pwede pala mangyari ang ganon.

"Marunong ka palang ngumiti"biro ni Stephen kaya sabay silang humalakhak.Nagkwentuhan pa sila hanggang dumating na ang mga kaibgan nito at ibang member.Nagset sila at dumating din ang ibang kaibigan ni Steve na Engineer Student.Nagsisimula na silang magkasiyahan at magkwentuhan.

"Kamusta naman si Steve sa inyo?masungit ba?" natatawang tanong ni Mae ang kaibigan ni Steve na Engineering Student.Nakaengineering uniform ito at may gear na kwintas.Tatlong kaibigan ni Steve ang dumating isang babae at dalawang bakla.Masasaya ito kasama kaya mas nagenjoy silang lahat.

"Naku laging may dalaw yan si daddy" pangaasar ni Kit ang baklang kaibigan ni Steve.Sinamaan naman ito ng tingin ni Steve pero tinawanan lang siya nito.

"Mabait kaya siya kahit strikto siya" nakangiting sabi ni Zimuel.Nagsang ayon din naman ang ibang member sa sinabi nito.

"Weh?hindi kayo pinarusahan agad?"tanogn ng isa pa nitong kaibigan na si Drae na isa ding bakla.Umiling naman ang lahat ng member at nagtawanan.Nagpatuloy naman ang inuman at kwentuhan nila.Habang tumatagal ay tinatamaan a silang lahat ng alak.Ang tatlong kaibigan ni Steve na Engineering ay umalis na at uuwi na daw sila.Ang ibang member ay umakyat na rin sa mga kwarto nila pati ang dalawang kaibigan ni Stephen.

"Halika na iaakyat na kita lasing ka na" malambing na saad ni Migz kay Xiel at tinulungan itong tumayo.Humarap ito sa direksiyon ni Steve at Stephen.

"Una na kami Teve lasing na lasing na to e" kamot ulong sabi ni Migz kaya natawa naman si Steve dito.Tumango ito at naging hudyat iyon para umakyat na sila.Naiwan naman si Steve at Stephen na umiinom pa rin.Tahimik lang sila habang umiinom.Nakatanaw sa malayo at pawang nagiisip.Ramdam na nilang tinatamaan na sila ng alak.

"Engineering ka din pala?"basag sa katahimikan ni Steve.

"Oo ang astig kasi ng mga Engineering katulad ninyo"nakangiting sagot ni Stephen at ngumiti din ito.Nang tumagal ay naisipan na nilang pumunta sa kwarto nila para magpahinga.Hindi na din kasi kaya ni Stephen dahil lasing na lasing na nga ito.Inakay ni Steve si Stephen dahil nga hindi na nito kayang maglakad.Pagewang gewang silang maglakad hanggang makarating sa kwarto ni Stephen.Napahiga silang dalawa at nasa taas ni Stephen si Steve.Nagkatitigan silang dalawa at dahan dahang lumalapit ang mukha nila sa isat isa.Dahil siguro sa alak ay hinalikan ni Stephen si Steve.Nagulat naman si Steve kaya matagal siya bago nakapagrespond.Si Stephen naman ang unang bumitaw dahil nakatulog na ito.Agad naman umalis sa ibabaw si Steve at mabilis na lumabas sa kwarto ni Stephen.

Hanggang sa makarating siya sa kwarto ay iniisip niya pa din ang nangyari.Bagamat may tama ng alak ay alam niya ang nangyari at natatandaan niya ito.Nagbigay iyon sa kaniya ng kilig at pagbilis ng tibok ng puso.Hindi niya mawari kung gusto na nga niya ito o hindi.Iniisip niya din ang mangyayari bukas dahi don.Hindi din siya mapalagay dahil unang beses pa lang siya nahalikan ng lalaki at nagustuhan pa niya ito.Matagal siya bago nakatulog dahil sa kakaisip ng bagay na iyon.

To be Continued~

Social Media Account:

Twitter:ry_alday

Instagram:heartalday

Facebook:Mary Heart Joy Alday

Tiktok:iamharkalday

Likee:harkkkkkk

StephenSteve(BL Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon