🔥 Kabanata 3 🔥

3.1K 66 1
                                    

🔥 Kabanata 3 🔥

Devyn:

"Ang ganda ng isla De Uno, sis!" Arya yelled elatedly nang makababa na kaming tatlo mula sa yate. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi sa kakaiyak—walang kasing sakit ang pambubulag nilang dal'wa sa'kin ngayon. Thinking that Gio was holding my right hand and Arya was calling me 'sis' and smiling at me like she was not being a bitch?

God knows.

I wanted to commit a crime.

But a smart mind should have the smartest move. Sobrang sakit ng ginawa nila sa'kin. I was stabbed behind and bitten by a treacherous snake! Ano pa ba ang mas masakit kung mismong childhood friends mo pa sila?

Half of my life—I spent together with them! Gusto kong isagaw, saan ako nagkulang bilang kaibigan at girlfriend? Ba't kelangan mag-gagohan pa?

"Babe, kanina ka pa tahimik? Pinag-alala ba kita ng masyado kagabi, huh?" Umiling ako at pilit ngumiti.

"Masyado lang akong nagandahan sa isla, babe. It obviously untouched.." Totoo naman—sobrang maganda ang isla De Uno pero hindi ko man lang magawang e-appreciate ang isla ng totoo dahil sobrang sakit ng dibdib ko ngayon. I was wearing this sunglasses to conceal my eyes.

"True! And awesome nature," Sabat ni Arya nasa tabi ni Gio. We were heading towards the kubo we were about to occupy for just three hours bago bumalik sa Isla Cuatros. Hindi pa allowed ang mga guests na mag-overnight dito not unless if there's a special event—yun ang sabi ng tour guide sa yate kanina.

"Ang dami sigurong ahas dyan, sis!" I exclaimed with my horrific expression habang nakatingin sa gawi nilang dal'wa.

"Hindi naman siguro, sis.. Plano pa naman nating mag-stroll mamaya sa isla—I really hate snakes pa naman." Gusto kong tumawa ng mapakla. I stopped walking.

"Pareho talaga tayo, sis 'no—we hate snakes. Pero ako, 'pag nakakita ako ng ahas—remember what I did noong girl scout na'tin sa high school, sis?" I tried to be the most casual here—pero gusto ko ring maramdaman nila ang warning ko. They had yet seen the worst of me..

"Gosh, sis—you don't have to say that! I remembered, tinapakan mo ang ulo ng ahas.." I smiled sweetly. Gladly she still remembered. Ganun nga talaga ang ginawa ko.

"Tatapakan ko talaga ang ulo, sis hanggang sa lumuwa ang mga mata nila. Let's go!" Nagpatiuna na ako sa paglakad patungo sa vip kubo ng isla De Uno. Kailan man, hindi ko inisip na gagagohin ako ng patalikod nilang dal'wa—they'd been more than friends to me..

Kaya sobrang sakit sa'kin.

Ba't ngayon pa na-pinag-planohan na ang engagement party namin ni Gio next week? Both of our parents were involved! Nakatingin ako sa kanila ngayon habang nag-swi-swimming—kaway ng kaway silang dal'wa sa'kin. Hinubad ko ang summer dress ko ngayon and wore my mango bikini saka rumampa ako patungo sa kanila—they were both..shocked.

Akala niya ba wala akong katawan na maibilad sa araw? I thought he's goddamn conservative guy—kaya ganun din ang fashion ko! Parating naka-long dress, long skirts but still on fashion!

"Babe, come here. Picture tayo." Bitbit ko ang phone ni Gio mismo. Walang makapang tamang salita si Gio at panay ang tingin nit okay Arya. "Sis, picture mo naman kaming dal'wa." I handed the phone to her and let her took a photo. Of course, I would let him saved this photo at nang maalala niya kung gaano ako nag-aksaya ng panahon sa kaniya!

Saka ko sila iniwan ulit. I told them that I'd look for some food. Pero gusto ko lang talagang lumayo sa kanilang dal'wa—bitbit ang phone ko and my sling bag, I walked around the island.

May isa pa akong iniisip—who sent me that file? At ba't niya alam? Sa lalim ng iniisip ko naabot ko na pala ang likuran ng isla kung saan masyadong malalim ang bahagi ng dagat—kaya pala halos walang katao-tao rito.

But the place was a perfect escape.

I stopped walking. Pasalampak akong naupo sa buhanginan—I surrendered myself. I cried out loud!

"Mga gago kayo!"

"F**k you, Gio!"

"F**k you, Arya! Pa-sis-sis ka pa!"

I let out my anger within. Hindi ko alam kong ilang minuto akong umiiyak ng mag-isa habang nakaupo sa maputing buhangin. What I felt was, I felt so tired..

Good Boys Gone Bad Series 3: His Savage FlameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon