OPHIR ACADEMY

67 13 0
                                    


Ito ang mundo ng Ophir. Kung saan ang bawat kaharian ay nababalot ng misteryo, at ng mahika. May anim na kaharian dito.

Ang Kaharian ng Rowak, na kilala sa pagiging likas na matulungin at maunawain na mga Ophirian (Ang Ophirian ay ang tawag sa mga taong nakatira sa Ophir) at kilala din sila dahil karamihan sa mga magagaling na salamangkero ng Ophir, ay dito nakatira. Kaya binansagan silang "The land Of Greatnes" dahil sinasabi ng iba ay ang mga nakatira daw dito ay halos perpekto.

Ang pangalawang kaharian naman ay ang Kaharian ng Posid. Ang kahariang ito ay kilala sa paggawa ng mga sandatang pang laban at sa pagkakaroon ng matapang, palaban, at malalakas na mga Ophirian. Kaya tinagurian silang "The sword of Ophir"

Ang pangatlo naman ay ang Kaharian ng Elektreya. Ang kahariang ito ay kilala sa pagkakaroon ng napaka advance na technology, mas advance pa ito kesa sa mundo ng mga tao. Ang mga tao dito ay napaka talino. Kaya tinagurian silang "The land of Brain of Ophir"

Ang pangapat naman ay ang Kaharian ng Firea.
Ang kahariang ito ay kilala sa pagkakaroon ng mga magagandang likas na yaman, magagandang tanawin. At sila din ang main source of foods sa Ophir. Kaya tinagurian silang "The Garden of Ophir"

Ang pang lima naman ay ang kaharian ng Healoria. Ang kahariang ito ay kilala sa pagkakaroon ng mga Hospital, dahil sila ang kaharian na may kakahayang magpa galing o manggamot ng mga Ophirian. Kaya tinagurian silang "The Healing Land of Ophir"

At ang pang anim, ang kaharian ng Kagulia.
Ang kahariang ito ay nababalot ng kadiliman, kasamaan at kapangyarihan. Ang mga Ophirian dito ay nababalot ng poot,galit, at kasamaan. Kaya tinagurian silang "The Dark Side of Ophir

Ophir AcademyWhere stories live. Discover now