Monday nanaman, meaning 1st subject nanaman ang math. Mag 9am na wala pa din si Alex. Nasan ba kasi siya? Hays.
"Hoy Andariel! Bakit daw ang ganda mo sabi ni Drake?" tanong ng isang epal na classmate ko na si Vince.
Kakadating lang nilang dalawa ni Drake. Sa right side ko nakaupo si Drake at katabi naman niya si Vince.
"It runs in our blood. Napaka epal niyong dalawa. Ano bang problema niyo?" sagot ko.
Since 1st yr highschool tinatanong na nila sakin yan. I don't know pero ang hilig mag epal nitong dalawang ito. Hanggang ngayong 4th year na kami tinatanong pa din nila ko ng ganyan. Gosh!
"Andariel kung pwede daw manligaw si Drake? Seryoso daw siya, crush ka daw niya" seryosong sabi ni Vince
"Wow alam niyo pala yung word na seryoso? Tsaka duuuhh! 4th year high school palang tayo, you don't have any idea of what love is." sabi ko at saka umirap
Ang tagal tagal naman kasi Alex. Siguro hindi nanaman siya papasok hays. She always cut class to shoot for her vlog. Hayyy, my bestfriend is a vlogger wannabe. Tinext ko na lang siya dahil nakita kong nasa pinto na si Ms. Casas.
To: Alexandra Denise
Te ghorl, nasan ka na? Dito na si Ms. Casas.
Sent!
Pag tapos nun ay nakinig na lamang ako sa tinuturo ni Ms. Casas, ngunit maya maya ay nagulat na lamang ako nang may bumato sakin ng papel galing sa harap. Si drake pala.
"Hi Andariel, I'm serious about what Vince said earlier. Can I talk to you on our breaktime?"
Binasa ko ang nakasulat, at biglang may binato nanaman saking maliit na papel. "What the hell is your problem drake?!" bulong ko at pinandilatan ko siya.
"Ms. Cy and Mr. Vizon do you have any problem?" sita ng teacher namin. "Kung gusto ninyong magligawan, wag sa oras ng klase ko. The door is open, your two may leave." ani Ms. Casas.
"Sorry, Miss" sagot namin, at nagpatuloy na siya sa tinuturo niya. Makalipas ang ilang minuto, naramdaman ko nanaman ang pag bato ni Drake.
"Andariel, please meet me at Cafeteria" ang nakasulat sa papel. Naisip ko namang sagutin siya. Pagka sulat ko ay binato ko na pabalik sa kanya. Ngunit napalakas ang aking bato kaya naman napunta ito kay Vince na agad namang napansin ni Ms. Casas. Jusko po!
"Akin na yan, Vince." kinuha niya ang papelsa kamay ni Vince. "Kayong dalawa, hindi talaga kayo makapag hintay na matapos ang klase ko bago kayo mag ligawan. Nagbabatuhan pa kayo ng love letters, tignan natin kung gaano kayo ka'sweet." galit na sabi ni Ma'am Casas. Fuck! She's going to read it. Makikita niya yung sagot ko! I'm dead!!
"Andariel, please meet me at cafeteria. So wow! Magd'date kayo sa cafeteria" pang aasar ng teacher namin. And Andariel's response is 'Ha? Hampas ko ulo mo sa pader!' Too brutal Andariel hahahaha." nagtawanan naman ang klase at yumuko na lamang ako.
YOU ARE READING
I Fell In Love With The Person I Met Online
Teen FictionPossible ba talagang mahanap mo ang tunay na pag-ibig online? Possible ba talaga na maramdaman mo yung LOVE kahit di pa kayo nag kikita nung tao, kahit picture wala, even name niya hindi mo alam? Is it love or nasanay lang ako na palagi ko siyang ka...