Disclaimer: Read at your own risk. Sensitive words, sensitive topics, characters, places and etc. is the product of author's imagination. Typos and grammatical error may be found in this story.
#SpreadLove ❤
________________________________________________________________________________
"Shit shit! Open mo na." kinakabahang sabi ko kay Drake
"Teka love! Bagal ng site baka madaming nagccheck." sagot ni Drake sakin
Nandito ako sa bahay nila Drake, lumabas na resulta ng exam namin. Naka off lahat ng notifications namin ni Drake dahil for sure may nauna ng makakita samin. Napagkasunduan kasi namin na sabay namin titignan ang resulta. Kinakabahan ako.
"Ayan na love!! Teka sinong mauuna?" tanong ni Drake
"Ha? Eh ikaw muna! Kinakabahan ako e."
"Ikaw muna love. Letter 'C' mauuna kaysa sa 'V'" sabi niya at aakmang pipindutin na niya ang letter C
"Loveeee!! Ikaw nga muna! Isa!" sabi ko sakanya
"Oo na oo na!"
"Gagalet ka?" natatawang tanong ko
"Hindi po" sabi niya at pinindot na ang letter V
"Tingen nga ng di galit" sabi ko kaya naman ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.
"Ikaw na nga tumingin ng sakin" sabi niya
"Kinakabahan ako love pero sige na nga kakaasar naman to!" sabi ko
"Asar ka? Tingen nga ng asar?" natatawang sabi ni Drake
"Aba! Gaya gaya ka!" sabi ko at tinignan siya ng masama
Pag ka open ko ng letter V ay agad kong hinanap ang Vizon, si Drake naman ay nagtago sa likod ko dahil kinakabahan siya ayaw niyang makita ang resulta.
"Love" malungkot na sabi ko
"Tss. Sinasabi ko na nga ba e. Hayaan mo sa USTE na lang ako love. Susunduin pa din kita araw araw." sabi ni Drake
"Congratulations! Naka pasa ka Love!" masayang sabi ko sakanya
"ANDARIEL!!! Hmmmp. Thank you thank you!" niyakap niya ako "Yung sa'yo naman love"
Tinignan namin ang letter C, kinakabahan talaga ako. Hindi ako makahinga.
"Love di ako makahinga" sabi ko
"Ano ka ba? Ako nga naka pasa ikaw pa kaya?" ani Drake
"Tignan mo na!" sabi ko
Napa kunot ang kanyang kilay habang nakatutok sa screen ng laptop. I cupped my face.
"Ughhh! Sabi sayo love e." mangiyak ngiyak na sabi ko
"Ayon! Love congrats! Naka pasa tayo!!" pinunasan ko ang mga luhang tumulo saaking pisngi "Oh bakit ka umiiyak love?" nagtatakang tanong ni Drake
"I hate you! Akala ko hindi ako nakapasa." hinampas ko siya at agad naman niya akong niyakap
"Love wala naman akong sinabing hindi ka nakapasa. Bakit ka naiyak?" nagtatakang tanong ni Drake
"Kasi kumunot yung muka mo. Meaning hindi mo nakita ang pangalan ko doon"
"Nasa next sheet kasi Love. Sorry sorry po sa reaction ko. Wag ka na umiyak." ani Drake habang nakayakap sakin
YOU ARE READING
I Fell In Love With The Person I Met Online
Teen FictionPossible ba talagang mahanap mo ang tunay na pag-ibig online? Possible ba talaga na maramdaman mo yung LOVE kahit di pa kayo nag kikita nung tao, kahit picture wala, even name niya hindi mo alam? Is it love or nasanay lang ako na palagi ko siyang ka...