Simula

84 17 10
                                    

"Besh! Omg!! I tried Omegle, nakakatuwa na nakakabwiset. Look ang dami ko nang nakakausap hahahahaha!" panimula ni Alex, childhood bestfriend ko.

I just nodded without looking sa kung ano mang sinasabi niya. I'm busy doing my projects tapos nakisabay pa ang exams, finals na kasi kailangan kong magreview para makabawi.

"Besh hindi ka ba magrereview? Ang dami mong pauso, dami mong natutuklasang kagagahan!" pagalit ko sakanya

"This is not kagagahan Andariel ha! Baka dito ko na mahanap ang true love ko jusko po!" she giggled

"Dati gusto mong maging vlogger, okay fine matatanggap ko pa. Pero ang humanap ng true love sa dating site? My gosh besh! Napaka hopeless romantic mo naman ata" pakikipagtalo ko sakanya

"Whatever! Omggg! Look oh, horny daw siya! Nu ba naman to. Kadiri!" nakita kong pinindot niya yung stop sa gilid at nag find na ulit ng ka'match niya. Hays.

I continued what I am doing nalang kaysa naman makinig sa mga sinasabi niya. Yung sa magkalapit nga kayo at palaging nagkikita, yung akala niyo nga'y kilala na ninyo ang isa't isa impossible pa ding makahanap true love eh. Using dating site pa kaya? Uhmm, okay ang bitter ko ba? Hehehe.

I checked my phone it's already 1am, dito na natulog si Alex dahil late na din ng natapos niyang gawin yung mga projects niya. Bukas na lang daw siya magrereview buti nalang at weekends. Inuna pa kasi ang pago'omegle.

I can't sleep kaya nag scroll na lang ako sa Facegram at nakita yung post ng ex ko. Nalaman kong nag gym pala siya kanina, ughh I missed him. But no, masaya naman na siya ng wala ako at ginusto ko naman to pero bakit palagi ko pa din siyang iniisip. Errr gigol!

Kinabukasan we continue to finish our project, nag review na kami para sa final exam namin sa Cost Accounting bukas. Hindi na ulit muna nag Omegle si Alex dahil may nanghingi na daw sakanya ng Telegram account niya. Err this hopeless romatic beshy of mine.

Mabilis dumaan ang Sunday, parang pumikit lang ako at Monday nanaman.

"Mang Dads, maaga po ang uwi ko mamaya at exam lang po namin" paalala ko kay Mang Dadoy, driver namin

"Noted, Ma'am! Good luck ho sa exam niyo" ani niya

"Thanks, Kuya!" I just waved at him

Nakita ko si Alex naghihintay sa waiting shed sa may labas ng school. Sabi ko kasi'y hintayin niya ko at sabay kaming pumasok. Ayaw kong pumasok mag-isa baka makasalubong ko ang ex ko. I'm not ready to face him pa. Masyado pang sariwa ang lahat.

"Besh! I saw Drake na, nasa loob na siya. Are you okay? Baka mawala lahat ng nireview mo ha?" pagbabanta at paalala niya

Bigla akong kinabahan, dapat isantabi ko muna ang nararamdaman ko. Final exam namin ngayon, kailangan dito lang ako naka focus, tsaka ko na lamang iisipin ang problema ko kay Drake pag nakapasa na ko.

"Of course, besh I'm okay. Ginusto ko to diba? Tsaka sa exam ako naka focus ngayon. Kaya tara na baka malate pa tayo" yaya ko sakanya.

Mabilis lamang namin natapos ang exam. Niyaya ako ni Alex kumain ng siomai habang hinihintay namin si Mang Dads.

"Aling Mirna, bakit ba kasi ang sarap ng Siomai niyo? Ituro mo na kasi sakin ang recipe para mag pagawa ako kay Mommy" natawa nalamang ako sa pangungulit ni Alex kay Aling Mirna.

Dito kami madalas maglunch sa Carenderia ni Aling Mirna, sa katunayan nga e close na close na namin pati mga anak niya at ang asawa niyang si Mang Nestor.

"Nako naman Alex! Sa araw araw na ginawa ng Diyos, araw araw mo ding sinasabi na masarap ang siomai ko, araw araw mo din tinatanong kung anong recipe. Di ka ba nagsasawa babae ka?" natatawang sagot ni Aling Mirna, inirapan nalamang siya ni Alex

I Fell In Love With The Person I Met OnlineWhere stories live. Discover now