Disclaimer: Read at your own risk. Sensitive words, sensitive topics, characters, places and etc. is the product of author's imagination. Typos and grammatical error may be found in this story.
#SpreadLove ❤
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------"Andariel, bilisan mo! Hindi ka pa ba tapos jan?" pag tawag ni Mommy sakin
"Wait lang, Mommy. Pababa na po" sigaw ko
Today is our graduation day. Ito na din ang huling beses na isusuot ko ang uniform namin, kasi next school year sa Ateneo na ako papasok and hopefully makapasa sa Entrance Exam.
I checked my phone, at may text doon si Drake.
From: Drake Andrew
Riel! Happy Graduation Day! Your determination and intelligence leads you to achieve things you want to achieve. Dalhin mo sana yung mga tags na binigay ko sayo. Hahaha. I am very proud of you. See you later, my Riel. ❤
I smiled widely when I saw his message. Bumaba ako bitbit ang toga at isang medyo malaking paper bag. Dito nakalagay ang graduation gift ko kay Drake, Vince, Alex at Ishi.
"Mom, I'm ready! Let's go?" nakita kong naka ready na din si Mang Dads at Manang Rosie.
Paalis na sana kami ng mag ring ang phone ko. Si Daddy pala natawag. I answered my phone.
"Hello, Daddy? Nasan ka na po? Papunta na po kami nila Mommy sa venue." masayang sabi ko kay Daddy
"Riel, my baby. I just wanted to greet you and to say sorry. Congratulations! Sayang nga lang at hindi ako makakapunta. Medyo madami kasi akong ginagawa ngayon. But I'll tell to your Mom na i'video yung speech mo. And naipadala ko na din yung graduation gif..." I ended the call.
Di ko na tinapos yung sasabihin niya. Graduation ko ngayon dapat masaya ako. Kahit pala anong gawin ko, kahit pala ako ang may pinaka mataas na award pag hindi ikaw ang priority wala kang magagawa.
Isa sa rason kung bakit gusto kong gumraduate as Valedictorian para mapilitan man lang pumunta si Daddy sa graduation ko. Nakakasama lang talaga ng loob pero wala e, ganun talaga.
Nasa sasakyan na kami ng mapansin ni Mommy na ang tahimik ko. She held my hand and hugged me.
"Don't be sad. Baka may importanteng bagay lang talagang dapat tapusin ang Daddy mo." ani Mommy
"Mas importante pa sa graduation ko, Mi?"
"Hayaan mo na siya, ang mahalaga ay g'graduate ka na at nandito naman ako. Proud na proud ako sayo, Andariel." sabi ni Mommy and she hugged me again
I smiled a little. Oo nga, hayaan ko na lang. Dapat ang iniisip ko ngayon ay yung speech ko. I'll do impromptu. Hindi ako gumawa ng script. Gusto ko kung anong pumasok sa isip ko, yun ang masabi ko.
Nang makarating sa venue, ay agad kong nakita si Drake kasama si Alex, Ishi at Vince. Pagkababa ko ay agad nila akong sinalubong.
"Ang ganda naman ng hatmam na 'to." sabi ni Drake kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Biro lang. Hahahaha. Congrats, my Riel!"
"Ang ganda naman ng Valedictorian namin! Congrats besh!" bati sakin ni Alex sabay abot sakin
"Mana sakin besh! Hahaha. Congrats beshycorn!!" ani Ishi
"Congrats, Riel ni Drake! Pabasa naman ng speech mo para di na ko maapektuhan mamaya!" sabi naman ni Vince
"Thank you! Hahahaha. Oh, happy graduation day! I'm so blessed to have you four." sabay abot ko ng regalo ko sakanila maliban kay Drake.
YOU ARE READING
I Fell In Love With The Person I Met Online
Teen FictionPossible ba talagang mahanap mo ang tunay na pag-ibig online? Possible ba talaga na maramdaman mo yung LOVE kahit di pa kayo nag kikita nung tao, kahit picture wala, even name niya hindi mo alam? Is it love or nasanay lang ako na palagi ko siyang ka...