Natulog akong nakangiti pag tapos namin mag usap ni Drake. Saturday nanaman ngayon. Mabilis lang dumaan ang mga araw. Di ko namalayan, bumalik na pala si Mommy galing Singapore.
"Andariel, kain na. Nandun sa kwarto ko yung mga pasalubong ko sayo." salubong ni Mommy sakin na nakaupo na sa hapag kainan
"Kakadating mo lang, Mom?" I kiss her cheek tapos umupo na ko. "Yah, thanks. So how was Singapore?" tanong ko at nagsimula ng kumain
"Kanina pang 2am ako nakarating dito sa bahay. Hindi na kita ginising. It was fine naman. I'm with Rita, mommy ni Drake." nakita kong tinapunan ako ng tingin ni Mommy "What's the status between you and Drake?" nakangiting tanong ni Mommy na parang may halong pang aasar, kaya napairap nalang ako
"Kanino mo naman nachika yan, Mommy?" tanong ko
"Kay Rita. Bakit hindi mo sinabi sakin na nagpupunta pala siya dito araw araw. Nagpahanda sana tayo kay Manang Rosie ng masarap na almusal" ani Mommy
"Oh bat parang di ka galit, Mi? Kala ko'y bawal pa?" tanong ko
"May sinabi ba kong bawal? Hahahhaha. You're doing great, Andariel. Mabuting sa anak ng business partner natin ikaw napapalapit." tumatawa niyan sabi "Wala naman akong nakikitang masama doon, diba?"
"Tsssss. Whatever, Mom." sagot ko kaya natawa nanaman siya
Pag katapos namin kumain umakyat agad ako sa kwarto ni Mommy para kuhain ang mga pasalubong niya sakin. Bumaba ako sa salas para doon tignan dahil nililinis ni Manang Rosie ang kwarto ko. Bawal pumasok at baka makurot ako sa singit
"Hi chuchayyyyyy! Come hereeee!" tawag ko sa aso ko. Ayaw niyang lumapit sakin, palibhasa'y nanjan si Mommy.
Mom bought me some notebooks that will be added on my collections. Yes, nagcocollect ako ng mga notebooks. Hindi ko sila sinusulatan naka display lang sila with sealed or plastic pa mismo nung binili ko sila. Baliw lang no? Tssss.
"Mi, bat ang daming notebook nito? Pare parehas lang?" sigaw ko sakanya dahil nakita kong pababa na siya ng hagdan
"Kay Ishi at Alex. Baka umiyak nanaman yung dalawa na yon at wala akong pasalubong sakanila." sagot ni Mommy
Pagkatapos nun ay narinig kong tinatawag ako ni Manang Rosie. Kaya naman tumakbo agad ako papunta sa kwarto.
"Andariel, ang daddy mo tumatawag." sigaw ni Manang.
Si Daddy lang pala. Pagkakuha ko ng phone ko kay Manang ay sinagot ko na ang tawag niya.
"Po?" bungad ko
"Wala man lang good morning daddy?" pagtatampo niya
"Good morning, Dad!" sabi ko
"Sus, pilit. How's my baby? Dinner tayo mamaya?" tanong niya
"I'm okay, Dad. I'm doing great. Email ko po sayo grades ko ng 1st grading." walang ganang sabi ko. "Uhm, I can't, Dad. Mom's here wala siyang kasabay mag dinner. Ikaw naman madami" sabi ko at narinig kong natawa siya sa kabilang linya
"Okay buti naman kung ganon. Galingan mo pa lalo, para makapasok ka sa Dream school mo ha?" sabi niya "Nanjan pala ang Mommy mo, sige next time na lang tayo magdinner." sagot niya at hindi niya pinansin ang huling sinabi ko. Tsss. Guilty.
"I will. I will, Dad." sagot ko
"Okay, then. Take care, Riel. Love you" sabi niya
"You, too. Love you, Dad." at agad kong binaba ang tawag
YOU ARE READING
I Fell In Love With The Person I Met Online
Teen FictionPossible ba talagang mahanap mo ang tunay na pag-ibig online? Possible ba talaga na maramdaman mo yung LOVE kahit di pa kayo nag kikita nung tao, kahit picture wala, even name niya hindi mo alam? Is it love or nasanay lang ako na palagi ko siyang ka...