Chapter 2

41 15 7
                                    

"Ay wow!! Kakaamin lang kahapon, sabay na agad papasok ngayon? Speed mo naman dude." bungad ni Alex, nang makita niya kami ni Drake na sabay naglalakad patungo sa room. Natawa na lamang si Drake.


"Shut up, Alex! Absent ka nanaman kahapon." sabi ko sakanya


"At kahit hindi ako nakapasok kahapon, alam na alam ko ang chismis. Hahaha." pang aasar niya. "Congrats Drake, after 4 years of taguan ng feelings ha? Finally umamin ka din. Hahahaha." napairap na lamang ako sa sinabi niya. Bakit ba kasi hindi nila sinabi sakin 'yon? Hays.


"Yeah, it takes 4 years para makakuha ng lakas ng loob. And thank you kasi hindi niyo inispoil at minadali ni Ishi ang pag sasabi kay Andariel" sagot naman ni Drake na may malaking ngiti.


"Tsss. Kala ko kaibigan kita" pagtatampo ko kay Alex "Pumasok na nga tayo ang dami niyong alam" sabi ko sakanilang dalawa.


Pag pasok namin sa room agad namang napansin ng mga classmates namin ang sabay na pagdating namin ni Drake.


"Iba ka talaga, Vizon! Sabay agad pumasok!" pang aasar ni Vince sabay tango at high five kay Drake at kay Alex. Errr para silang mga baliw


"Naks naman!" sabi nung isa namin classmate kaya napairap na lamang ako


"Ano na pala status niyo ni Andariel?" tanong ng epal na si Vince


"I'm courting her." sagot ni Drake


Agad namang nanlaki ang mga mata ko dahil ang lakas ng pagkakasabi niya. Narinig ng buong klase.


"Drake!" yun lang ang tanging nasabi ko, tutal narinig naman na ng lahat.


"ayieeeeee" pang aasar nanaman ng mga classmates namin


"kumana nanaman ang love birds" 


"pa'sweet ka ng pa'sweet this past few days hahaha. Nagagawa ng in love." sabi ni Vince


"Hanep naman besh! Ako ang bff mo pero yung pumayag ka na palang mag paligaw nahuli ako doon" sabi ni Alex, nagiinarte pa siyang nasasaktan. Hays ang mga utak nitong mga 'to


"Hindi, Alex. Hindi ko na hinintay ang confirmation niya. Manliligaw ako may pag asa man o wala. I will wait for her." sagot ni Drake

 I look at him. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala sa sinasabi niya. Totoo bang hihintayin niya ako? Totoo bang liligawan niya ako kahit walang kasiguraduhan? Nahihibang na ba 'tong lalaking 'to? 


"Oh Andriel, natahimik ka? Kinikilig ka na ba jan?" ani Vince


"You Vince Epal! Shut up!" sabi ko sabay inirapan na lamang siya. Nakakainis


Buti na lamang ay dumating na si Ms. Casas. Lahat ng aming atensyon ay itinuon na namin sa pakikinig sakanya.

I Fell In Love With The Person I Met OnlineWhere stories live. Discover now