MIDNIGHT III

690 170 267
                                    

Jinah Salazar's Point Of View


Tatlong libong pera ang nakalatag sa gilid ng kama ko ang bumungad sa akin kinabukasan. Dinampot ko ito at nilagay sa bag. Baka galing dito kanina ang aking ama at 'di ko man lang natunugan.

Kulang pa ito para pangbayad sa lahat nang pinamili sa akin ni Midenna, pero ayos lang. Isunod ko na lang ang iba sa susunod kong allowance.

Mabilis akong bumaba nang makarinig ako ng katok galing sa pintuan. Hindi ko pa nabubuksan pero may pakiramdam na ako kung sino ito.

"Hi, Janella ko!"

I knew it.

"Ano na naman ang ginagawa mo dito, Midenna?" walang gana kong tingin sa kaniya.

"Walang pasok kaya dito na muna ako..." he winked.

"Okay..." tipid ko siyang nginitian.

Sinarado ko ang pintuan habang nakatayo pa siya sa labas. Mabilis akong bumalik sa kuwarto at kinuha ang tatlong libong bigay ni Papa. Blangkong mukha ni Midenna ang bumungad sa akin pagkabukas ko ulit ng pintuan. Yung blangkong nagpapahiwatig na hindi talaga siya natutuwa. Baka nababaliw na naman.

"Bayad ko. Sa susunod na yung iba," abot ko ng pera sa kaniya.

"Hindi ka talaga marunong makitungo nang mabuti, e, 'no?" sarkastiko niyang tanong na hindi pinapansin ang nakaabot kong bayad.

"Why?" kunot-noo kong tanong.

"Anong why?! Pinagsaraduhan mo kaya ako ng pintuan!" pag-iisteriko niya.

"Seryosong tatambay ka dito?"

"Talagang seryoso ako sa 'yo kaya tara na't ipaghanda mo na ako ng almusal..." he then grabbed my hand.

Walang pakundangan siyang umupo sa hapag ko. Inosente niya akong nilingon nang mapansin ang hindi ko paggalaw.

"Bakit?" he asked, innocently.

"Psh!" inikutan ko siya ng mata saka ko siya tinalikuran.

Binulsa ko na muna ang hawak ko pang pera bago ko inihanda ang almusal naming dalawa. Kung wala lang talaga akong utang na loob sa kaniya, baka kanina ko pa siya sinipa palabas.

"Yey!" tuwang-tuwa siyang pumalakpak na parang bata pagkalapag ko ng tray sa harap niya.

Umupo ako sa harap niya. May kahabaan ang lamesa ko kaya hindi ko pipiliing tumabi sa kaniya.

"Akala ko ba, takot ka sa bahay ko?" tanong ko habang inaayos ko ang aming almusal.

Hindi ako masyadong maalam sa paghahanda ng almusal kaya pagtiisan niya ang pandesal.

"Nakakatakot nga pero nandito ka naman, e..." kibit-balikat niya, kumagat sa pandesal.

"Basta 'wag mo na lang dalasan pagpunta mo dito..." seryoso kong tugon sa kaniya.

Natigil siya saglit. Tinitigan ako diretso sa mata.

"Bakit?" salubong ang kilay niyang tanong saakin.

"Wala lang. Minumulto kasi ito..." pakunware kong kibit-balikat. Mabilis kong iniwas ang mata ko sa kaniya.

Ang totoo niyan, hindi ko lang talaga matagalan ang paninitig niya sa akin. Sa dalawang taon niya kasing pagsunod-sunod sa akin, ngayon ko lang siya nakitang sumeryoso.

"May boyfriend ka na ba ngayon?"

Naibalik ko ang tingin ko sa kaniya. Akala ko nangti-trip na naman, ngunit napagtanto kong seryoso nga siya sa sinabi nang walang nagbago sa kaniyang ekspresyon.

Rising Of Midnight [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon