MIDNIGHT VIII

567 124 186
                                    

Jinah Salazar's Point of View



Sinigurado kong nadala lahat ng kakailanganin ko bago ako dumiretso sa napili naming tagpuan ng mga kagrupo ko.

Mag-isa akong nakaupo sa isang waiting shed. Usapan ay kailangan nandito na ang lahat saktong alas sais ng umaga, ngunit parang ako lang ata ang tutupad sa usapan. Lagpas alas syete na pero wala pa rin sila.

Mapagtimpi akong tao kaya sige, hindi ako aalis dito hangga't 'di dumidilim ang kalangitan. Nang sa ganoon ay wala na silang maisusumbat sa akin.

Dadamputin ko na sana ang cellphone ko sa bag para libangin na muna ang sarili kaso nagsipagdatingan na ang hinihintay ko. Mabuti naman.

"Sorry, Jinah. Bwisit kasi yung inarkila kong kotse, umatras..." paumanhin ng isa sa 'di ko masyadong napapansin sa grupo.

"Ayos lang..." tipid kong ngiti.

"Favor sana?" dugtong niya, dahilan nang pag-angat ko ng tingin sa kaniya.


Kumagat muna siya sa kaniyang labi bago niya saglit na nilingon ang iba pa naming kasama. Sabay-sabay silang umupo sa tabi ko. Tiningnan ako na may pagsusumamo sa kanilang mga mata.


"Anong meron?" kunot-noo kong baling sa kanila.

"Hindi ba, close naman kayo ni Midenna?"

Pinigilan kong huwag mapairap sa harap nila pagkabanggit sa pangalang Midenna. Ayaw kong isipin nilang nagsusuplada ako gayong kagrupo ko sila. I have to be nice with them.

"O, bakit?" I gave them a strained smile.

"Puwede bang siya ang maghatid sa atin? Wala na kasi tayong oras, please?"

"Ow..." saglit akong natigil. "..Okay..." saka ko sila ulit nginitian.


Hindi ko ipinahalata ang balisa kong hitsura habang dinadampot ko ulit palabas ang aking phone. I excused myself before standing up and walked a little bit away from them.

You're a great superhero, Jinah. A holy great.

Humugot muna ako nang napakalalim na hangin bago ko simulang pindutin ang numero ni Midenna.

"Hello, Jinah?" agad na sagot sa unang ring pa lang.

"My groupmates need you--"

"Oh, gano'n ba?" agarang putol sa akin ni Midenna. "Bakit daw? Papunta na ako!" then he ended the call.

Great, Midenna. Hindi naman halatang excited ka.

"Payag na?!" salubong sa akin ng apat na babae.

"Yeah..." nginitian ko sila saka ako bumalik sa kaninang inuupuan ko.

Ilan sandali pa ay sabay-sabay kaming nagsitayuan nang matanaw namin ang papalapit na itim na kotse nina Midenna. Nakangiti siyang lumabas sa driver seat pagkaparada sa harap namin.


"Hi, Midenna!" kaway sa kaniya ng isa sa kagrupo ko. Yung nagbigay sa akin ng librong pag-aaralan ko.

Tumango lang si Midenna.

"Akala ko ba 6:00 lakad niyo? 8:00 na, oh!" wika niya sa akin. Saglit pa niyang sinulyapan ang kaniyang relo.


Magsasalita na sana ako kaso hindi ko na natuloy dahil pumagitna sa amin ang kasamahan kong kumaway sa kaniya kanina.

Itinikom ko na lang ang bibig ko at tahimik akong umatras upang mabigyan sila nang sapat na espasyo.

"Magpapahatid sana kami sa 'yo..." nakangiting tugon ng babae.


Rising Of Midnight [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon