MIDNIGHT X

542 101 147
                                    

Jinah Salazar's Point of View


"Jinah."

Tumagilid ako nang upo upang humarap sa babaeng umupo sa tabi ko. Bumungad sa akin ang nakasimangot na mukha nang dating kasintahan ni Midenna. Kasalukuyan kaming nasa loob ng room, walang teacher.

"Bakit?"

"Ano bang mayro'n sa inyo ni Midenna?" taas kilay niyang tingin sa akin. Nakahalukipkip pa siya.

"Wala..." iling ko. Iniwas ko ang tingin sa kaniya.

Ramdam kong magsasalita pa sana siya, ngunit wala rin nagawa kun'di mapabalik na lang sa kaniyang upuan, sa harap. Dumating na kasi si Ma'am Bainarie.

Tinutok ko na lang din ang aking atensyon sa harap at 'di na inisip pa ang kaniyang tanong.

Wala akong panahon sa drama niya. At mas lalong ayaw ko na ako mismo ang mag-aadjust para sa kaniya. Isa pa, wala rin naman akong takas kay Midenna kung iiwasan ko lang siya. Problema na nila 'yon.

"Okay, class. Malapit na ang first prelim natin and I decided to not give you a written exam," anunsyo ni Ma'am Bainarie na nagpadulot na naman sa akin nang kaunting pag-aalala.

"Since our subject is all about home economics and such, I want all of you, individually, to conduct an interview."

Lahat ay napasinghap sa narinig, maliban lang sa akin na tahimik lang na nakikinig.

"It's a face to face interview. All you need to do is, find an elementary public school near here and do some interview to an EPP teacher. Asked them about their teaching strategies. Don't forget to take a video while you are interviewing the chosen interviewee. It will serves as your evidence, understand?" ma-awtoridad na pagpapatuloy ni Ma'am.

Inilibot niya ang kaniyang tingin sa amin. Lihim kong naikuyom ang aking kamao nang itigil niya sa akin ang kaniyang mata.

"Ikaw, Miss Salazar?"

"Po?" mabilis kong tayo.

"Are you not against with this?" kalmado ngunit nakataas ang kilay niyang nakatingin sa akin, the usual her.

"Nothing, Ma'am..." I shook my head, politely.

"Good..." saka niya inalis ang tingin sa akin. I sighed in relief.

"Before that, make a sample questionaire na itatanong niyo sa napili niyong iinterbyuhin. Ten questions will do. Ipasa niyo bukas para ma-check ko. That's it. Class dismissed!"

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko pagkalabas ni Ma'am. Mukhang hindi lang ako ang namomroblema para rito. Maski mga kaklase ko ay halata sa mukha nila ang hindi pagsang-ayon.

Hindi ko na rin alam ang gagawin ko lalo na't konektado na naman sa socializing ang nakasasalay. Holy God, ikaw na ang bahala saakin.

Mas lalo lang nadagdagan ang pagiging problematic ko nang sunod na pumasok ang isa sa major ko, yung nagpa-conduct din ng seminar. Another Holy God. I really need you.

"Next week will be our prelim. Study your lesson. Ise-send ko na lang via gmail ang pointers," ani Ma'am. "And you, Miss Salazar."

Oh, great! Me again.

"Yes, Ma'am?" magalang kong tayo.

"Usap tayo mamaya."

"Sige po..."

Hindi niya pinatagal ang diskusyon. Nagbigay lang siya nang kaunting review bago niya d-in-ismiss ang klase.

Inayos ko muna ang mga gamit ko bago naglakad papunta sa lamesa niya. Dalawa na lang kami ngayon ang natitira sa loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rising Of Midnight [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon