MIDNIGHT V

663 154 246
                                    

Jinah Salazar's Point Of view





Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang takot at pangamba sa buong buhay ko. Natatakot ako na baka ito na ang huling araw ko sa mundo.




The four men keep knocking the door. I don't know if I'm going to be thankful that the car is impregnable, or I'm just too unlucky to be with the son of mayor, the reason why I got in this situation.



"Ipanalangin na lang natin na may magmagandang loob na tutulong saatin..." balisang lingon sa akin ni Midenna.


Maski siya ay hindi alam ang tamang gagawin. Kung lalabas kami, may posibilidad na mapatay kami. Given the fact na wala kaming panlaban sa kanila.


"Kapag wala na, kailangan na natin lumaban..." I uttered, hopelessly.

"Hindi natin sila kaya, Jinah!" bigo niyang iling saakin.


Napapikit ako sa kawalan ng pag-asa. Pilit kong inaalala ang tinuro sa amin sa P.E II, kung paano idepensa ang sarili.


"We can't trust what sir taught to us," muli niyang bigkas, tila nabasa ang aking iniisip. "May mga baril sila, Jinah. 'Di puwede ang self-defense."


Oh, great. He got a point. Isang putok lang ng baril, mamamatay na kami. Holy shit!


Patuloy na ginigiba ng apat na kidnappers ang pintuan. Kitang-kita namin sa loob ang mga bagay na pinupokpok nila sa bintana. May tiwala ako sa pagkakagawa ng kotse, pero hindi ko maiwasan na kabahan.



"Naalala mo ang in-advice sa atin ni Sir?" kalabit sa akin ni Midenna.

"What is it?" wala sa sarili ko siyang inilingan.


Nakaramdam ako nang kakaunting pag-asa sa binibigay niyang tingin saakin ngayon.


"The best way to fight an armed men is to run away. Running away from them is the right path to save ourselves."


"Great, Midenna. Great." walang gana kong sagot sa kaniya.



Now I feel remorse for being in this situation, lalo na kung babakla-bakla ang kasama ko. Holy shit.



"Wala tayong pagpipilian, Jinah. Kilala ko si Mang kato. Napakabusisi niyang tao. 'Di 'yan mangingidnap kung hindi niya pinaghandaan ang lahat ng 'to."

"Mamamatay tayo, gago!" hindi ko na naiwasang sigawan siya.



Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa kaniyang pinagsasabi, o nangti-trip na naman.



"Mas mamamatay tayo kung mananatili tayo dito. In any moment, mabubuksan na nila ito."


Wala akong nagawa kun'di mapapikit na lang. Ramdam na ramdam ko ang mga pawis ko sa katawan. I swear to God, this isn't cool anymore.



"Tse-tyempohan natin na may dadaang kotse saka tayo lalabas dito."



Dumilat ako. Tiningnan ang tinuturo niyang isang pintuan, kung saan wala ang apat na lalaki. I gulped before I nodded. Bahala na. Kung mamamatay, pasensya.



Sabay namin tinutok ang aming atensyon sa kalsada, naghihintay ng milagro na may mapadaan na kotse patungo dito.


Napakapit ako sa braso niya nang may naaninag kaming flashlight ng isang kotse sa 'di kalayuan.



"Diretso lang ang takbo, Jinah. Huwag kang lilingon sa likod, alright?"



Balisa akong tumango saka ko hinigpitan ang hawak ko sa kaniya. Nginitian niya lang ako bago niya ilipat ang kamay ko pababa sa kaniyang kamay.



Rising Of Midnight [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon