MIDNIGHT I

801 176 285
                                    

Jinah Salazar's Point Of View



Abala ako sa pakikinig sa aking terror na professor. Kasalukuyan niyang pinapaliwanag ang magiging takbo ng aming seminar na kami mismong magkaka-blockmates ang hahawak.


"Class dismissed!" huling deklara ng professor at tuluyan nang lumabas sa silid namin.


Mukhang mapapasubok ako. Isama mo pa ang kawalan ko ng kaibigan dito. Napabusangot na lang ang mukha ko nang masulyapan ko ang mga kapwa estudyante ko. Lahat masiglang nagsilapitan sa kaniya-kaniyang kaibigan, excited para sa seminar. And here I am, enjoying myself company. Mag-isa at walang gustong makipagkaibigan.


Ayos lang naman sa akin. Nakakaya pa. Natiis ko nga ang dalawang taon na walang kasama, ngayon pa kaya na malapit na akong matapos sa paghihirap. Dalawang taon pa ang titiisin ko at makakaalis na ako sa pisteng paaralan na 'to. Kung hindi lang talaga ako pinatapon ng magaling kong ama sa probinsyang 'to, baka nasa mamahaling paaralan na ako nagkolehiyo.

Idagdag mo pa ang course ko. Hindi naman sa ayaw ko sa BEED, walang masama sa pagiging teacher balang araw, kaso hindi ito ang pinangarap ko. Buti sana kung may kaibigan ako dito, kaso wala.


Tahimik kong nilagay ang notebook ko sa bag. Tumayo ako para sana lumabas kaso nahinto ako nang may kumalabit sa akin. Isa sa kaklase kong babae sa subject na ito.


"Meeting natin bukas..." tipid niyang bilin saka ako mabilis na tinalikuran. Ni hindi man lang ako binigyan ng pagkakataong magsalita o tumango man lang. Oh, well. Wala nang bago. Halos lahat ng tao dito, ganiyan pakikitungo saakin.


"Jinah!"

Tumigil ako sa paglalakad at nilingon ang kanina pa tawag nang tawag sa akin. Awtomatik akong napairap sa hangin nang malingunan ko kung sino. The great son of mayor, Midenna.

Alam kong palagi kong hinihiling na magkaroon ng kaibigan dito pero kung ang katulad lang niyang pilyo at walang alam kun'di badtrip-in ako? Salamat na lang sa lahat-lahat.


"Akala ko nabingi ka na naman, e!" halos mapunit na ang labi sa kakangiti.

"Ano na naman ang kailangan mo?" tamad ko siyang tiningnan.

"Sabay na tayo umuwi."


Psh. Inikutan ko siya ng mata at tinalikuran. Kung ang ibang estudyante dito ay lubos kung magpapansin sa kaniya, pwes ako, hindi. Ayaw ko sa sobrang maputing lalaki at mas lalo na sa preskong lalaki. Ganiyan na ganiyan ang pagkakakilala ko sa kaniya. Ni hindi ko nga maintindihan kung anong nagustuhan nila sa kaniya, e. Palibhasa, uhaw sa mapuputing lalaki lahat ng kababaihan dito. Probinsyanang-probinsyana.


"Kahit kailan talaga napakasungit ng Janella ko."

"Janella?" kunot-noo kong baling sa kaniya.


Kasalukuyan kaming nasa sakayan ng Jeep. Ewan ko ba't lagi siyang nakasunod sa akin kahit halos hindi ko na mabilang ang pangbubugaw ko sa kaniya.


"Si Janella na artista. 'Di mo siya kilala?" namimilog ang singkit niyang matang nakatingin saakin.

"Ewan ko sa 'yo!" sabay ikot ko ng mata sa kaniya.


Mabilis kong pinara ang muntikan pang mapunong Jeep. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita at mabilis akong nakipagsiksikan sa mga pasahero.


"Hindi mo ba talaga siya kilala?" pag-uulit niya ng tanong pagkaupo niya sa tabi ko.

"Hindi ako interesado, Midenna..." tamad kong tugon habang diretso lang ang tingin ko sa harap.

Rising Of Midnight [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon