MIDNIGHT II

711 173 309
                                    

Jinah Salazar's Point Of View



Nakapagtataka dahil kung ilag na sa akin ang mga kapwa ko estudyante, mas lalo pa itong nadadagdagan ngayon. Yung tipong matanaw lang nila akong dadaan, sobrang pag-awat na ang gagawin nila na 'kala mo talaga may dala-dala akong virus sa katawan. Kaya ang ending, hindi ako masyadong nakakatulog nang maayos sa kakaisip kung ano bang mali sa akin. E, wala naman akong maalala na kakaibang nagawa ko sa kanila.

"Nandito ka lang pala!"

Gulat akong napalingon nang may kumalabit sa braso ko, si Midenna lang pala. Hindi na talaga ako nabibigla sa biglaang pagsulpot niya kung saan. Maliban na lang kung nasa ilalim ako ng pag-iisip tapos basta-basta na lang niya akong tatawagin, katulad ngayon.

"Ang loner mo masyado!" natatawa siyang tumabi saakin.

Tahimik ko na lang iniwas ang tingin sa kaniya. Kasalukuyan kaming nasa likod ng building, nakasilong sa Acacia Tree. Walang may gustong pumuntang estudyante dito, maliban lang sa akin. Ewan ko sa kanila, nakakatakot daw kasi ang parteng dito.

"Nakapag-lunch ka na ba?"

Inayos ko ang suot kong salamin bago ko nilingon ang seryosong mukha ni Midenna. Sa lahat ng tao dito, siya lang talaga ang nagagawang pansinin ako.

"Wala pa," tipid kong sagot, agad iniwas ang tingin ko sa kaniya. "Wala akong pera..." dugtong ko nang hindi siya nagsalita.

Muntik na akong mapatalon nang bigla siyang tumayo. He just winked as he saw my reactions.

"Ibili kita sa cafeteria. Wait mo 'ko dito..." saka niya ako mabilis na tinalikuran.

Kinalma ko muna ang sarili ko bago ako umayos ng upo. Minabuti kong pagmasdan na muna ang mga katabing puno ng inuupuan ko habang naghihintay sa kaniya.

Kung may pagpipilian lang sana ako, baka kanina pa ako umalis dito kaso papatulan ko na ang kakulitan ng isang 'yon. Gutom na gutom na kasi ako at kahapon pa ako walang kain.

Naubos ko ang aking allowance dahil sa pinamiling mga libro. Akala ko kasi, darating ang ama ko, dala ang budget ko ngayong buwan, kaso mukhang may pumigil na naman sa kaniya.

"Nga pala, Jinah," si Midenna na kakabalik lang, dala ang plastik ng pagkain. "Kinukulit ako ng classmate mo tungkol sa ambagan niyo raw. Binayaran ko na."

Saglit akong natigil sa sinabi niya.

"Why are you doing these?" salubong ang kilay kong nakatingin sa kaniya.

Nginitian niya lang ako. Sunod na ginulo ang hanggang batok kong buhok. Hindi na ako nakapagsalita nang isubo niya ang chicken wings sa bukas kong bibig

"You're rude!" irap ko sa kaniya pagkatapos kong alisin ang nakasalampak na manok sa aking bibig.

Tahimik ko na lang kinain ang bili niyang pagkain para sa akin habang siya'y talak nang talak. Hindi nauubusan ng kuwento.

"Hindi ko talaga lubos maisip kung bakit walang gustong makipagkaibigan sa 'yo. Naisip mo na rin ba 'yon?" nakangiwi niyang siniko ang braso ko.

Uminom muna ako sa mineral water bago ko siya nilingon.

"I don't know too," kibit-balikat ko.

"See? Maski ikaw hindi rin alam. Siguro inggit lang sila sa 'yo..." giit niya. Tinuro pa mismo ang mukha ko.

Tinampal ko ang daliri niya saka ako tumayo. Pinagpag ko muna ang likod ko bago ko siya ulit binalingan.

Rising Of Midnight [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon