Kabanata V: Kontraktwalisasyon (Endo Contractualization)

54 9 2
                                    

Journal

Pilipinas, 2006

Mainit ang panahon ngunit hindi ito iniinda ng bawat kasama kong estudyante sa aming unibersidad. Isang mahabang pila na halos umabot na sa labas ng aming paaralan ang naghahari dahil sa dami ng mga estudyanteng magtatapos.

Araw ng pag-eensayo para sa graduation day namin ngayon. Sa susunod na linggo na kasi ito gaganapin. Napakasaya ko dahil sa anunsiyo ng aming guro kanina. Maligaya nitong ibinalita sa akin na ako ang nanguna sa aming batch. Ako raw ang magsasalita sa entablado upang iparinig sa lahat ang Valedictorian's Speech. Hindi ko pa ito nagagawang ibalita sa aking ama at nasasabik na akong sabihin sa kaniya ang tungkol dito.

"Santos, nadala mo na ba 'yung bayad para sa toga at pictura. Pati na rin sa mga kulang mong bayarin," tanong ng aking guro na si Ma'am Feliza habang nagchecheck ito ng attendance namin.

"Pasensiya na po Ma'am, wala pa rin po kasing binabanggit si Papa. Pero susubukan ko pang ipaalala sa kaniya mamaya lalo na't ibabalita ko ang tungkol sa aking ranggo," paghingi ko ng paumanhin sa aking guro. Agad naman itong tumango at sabay sapo sa aking ulo.

Natapos ang aming pag-eensayo at nagsimula na akong mag-ayos ng gamit upang makauwi. Nasa hintayan pa lamang ako ng dyip nang matuon ang aking atensyon sa kumpol ng mga tao may hawak na karatula at sabay-sabay na sumisigaw.

"KARAPATAN NG MANGGAGAWANG PILIPINO!"

"IPAGLABAN!"

"IBASURA ANG KONTRAKTWALISASYON!"

"IBASURA!"

"TRABAHONG WALANG ENDO!"

"IPAGLABAN!"

Simula pagkabata ko ay inakala kong sa mga shooting lamang ng mga artista matutuon ang aking atensyon. Akala ko ay mga camera man, direktor, writer at lahat ng mga bumubuo sa isang proyekto mula sa sikat na estasyon lamang ang pupukaw sa aking puso kahit pa nasa publiko. Pero namulat ako sa reyalidad na marami palang mga Pilipino ang nagagawang iharap ang kanilang sarili sa publiko at ipaglaban ang kanilang karapatan bilang Pilipino.

Ang kontraktwalisasyon ay isa sa mga patakarang neoliberal na ipinalaganap ng mga imperyalistang bansa simula noong huling bahagi ng dekadang 1970 upang mawasak ang kilusang paggawa at makapagkamal ng mas malaking tubo sa harap ng tumitinding krisis ng pandaigdigang kapitalismo.

Ang kontraktwalisasyon ay ginamit na instrumento ng mga kapitalista upang magkamal ng yaman. Sa paraang ito napagsasamantalhan ang uring manggagawa dahil nakaiiwas ang mga namumuhunan na bigyan sila ng tamang sahod at benepisyo. Pero sa kakulangan ng trabaho maraming Pilipino ang kumakapit sa patalim at pumapayag sa ganitong sistema ng pagsasamantala. Ang kontraktwalisasyon ay hindi sapat para tugunan ang mga pangagailangan ng mga manggagawa at lumulupig sa kanilang karapatan.

Alas-singko ng hapon at kasalukuyan akong naglalakad pauwi sa aming kubo. Nakatira kami malapit sa kakahuyan kaya't hirap akong makapasok araw-araw sa eskwela. Si Papa lamang ang mag-isang nagtataguyod sa aming magkakapatid. Anim kaming magkakapatid na nangungulila sa aming ina dahil sa panganganak nito sa aming bunso.

Naabutan kong naglalaro ng mga sibat ng kahoy ang dalawa kong nakababatang kapatid. Parehong nagpapanggap na mga tagapagligtas sa isang pelikula. Agad ko naman silang tinawag at dali-dali naman silang lumapit sabay masid sa bitbit kong dalawang plastic na naglalaman ng pansit at palabok bilang pasalubong. Handa lamang ito ng matalik kong kaibigan dahil ngayon ang kaniyang kaarawan at sa halip na ako ang kumain ay mas matutuwa akong ibigay ito sa dalawang batang nagpapasaya sa aming pamilya.

Hacienda De IbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon