Epilogo mula sa Kalye Crisostomo

131 14 0
                                    

Marahan kong isinara ang huling pinto sa aking paglalakbay. Hindi ko maramdaman ang pagka-imortal ngayong alam ko na ang dahilan sa kabila ng hinanaing ng aking mga kababayan.

Nilisan ko ang kalye nang may bigat sa aking dibdib. Alam kong isa rin akong kabataang minsa'y naging tinik sa panahon ngayon. Ngunit alam kong lahat tayo ay may kakayahan, alam kong kaya pa nating baguhin ang kasalukuyan.

Muli kong sinugod ang ulan at agad na pumasok sa kakarag-karag kong sasakyan. Mabilis ko itong pinaandar ngunit may isang lumang buhay akong nadatnan. Natuon ang atensyon ko rito at sinimulan itong lapitan bago ko mapagtanto ang aking kinaroroonan.

Hacienda De IbarraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon