Sa bawat panahon at henerasyong nagdaan sa buhay natin. Hindi lamang isa ang mga natatangi nating maging kaaway. Maaaring ang iba ay atin nang nakasalumuha, ang iba ay nagtatago sa mga pinili nilang maskara at ang madalas ay ang mga taong wala tayong kalaban-laban. Ngunit kahit pa talamak ang mga isyung nagpapahirap sa ating buhay, alam kong hindi magtatagal ay mananatili na lamang itong mga alaala. Taksil. Martir. At mapait na mga alaala. Alam kong ang bawat henerasyon ay may ginto pang hindi nakikita. At alam kong matatabunan nito ang mga paltos ng mga Pilipinong tumapak sa masalimuot na sitwasyon ng Pilipinas.Akala ko'y sa Kalye ng Crisostomo ko lamang mababakas ang sakit, hapdi at paghihirap ng mga Pilipino. Ngunit hindi sapat ang kalyeng ito sa mga isyung dapat nating isiwalat sa bawat henerasyon. Ngayong natapos ko naman ang paglalakbay sa iba't ibang panahon sa lupain ng Hacienda De Ibarra. Hindi na ako muling babalik sa kakarag-karag kong sasakyan dahil mayroon pa 'kong patutunguhan.
Ang nakatagong lagusan sa likod nitong hacienda ay tinatawag ang presensya ko. Handa na ulit akong maglakbay bitbit ang aking panulat. At tatahakin naman namin ang misteryosong casa na nababalot ng malalagim na sikreto. Ang casang magiging daan upang muli akong makapaglakbay sa iba't ibang panahon at muling maungkat ang masasalimuot na sitwasyon ng mga Pilipino sa bansang Pilipinas.
Ang Casa Dos Verde.
BINABASA MO ANG
Hacienda De Ibarra
General Fiction#2 Hindi pa sapat kay Santino ang sampung lagusan ng Kalye Crisostomo. Alam nitong marami pa siyang sikretong makakalap mula sa mga boses na pinilit patahimikin, mga matang may mahigpit na pagkakapiring at mga buhay na pinahirapan, tinapos at inalip...