Part 1

6.3K 132 16
                                    

"GRABE! ANG suwerte talaga natin, Julie! Nandito tayo sa harap na harap!"

"Nasa gilid po tayo."

"Kahit na! Harap pa rin ito. Kitang-kita pa rin dito nang malinaw ang mga mahal kong Adonis!"

"Bahala ka na nga sa kahibangan mo."

Hindi na pinansin ni Myla ang kaibigan na mukhang nabaling na sa ibang bagay ang atensyon. Inabala na lang niya ang kanyang sarili sa pag-aabang sa pinakapaborito niyang banda sa buong Pilipinas. Ang Sentinel. She just love this band's music. Malalalim kasi ang meaning ng mga kanta sa kabila ng pagiging alternative rock band nito. Ang hobby nga niya, gawing mga quotes sa araw-araw ang lyrics ng mga kanta ng naturang banda. Na pinapatulan naman ng mga taong pinagbibigyan niya through text messages. Ganon kalakas ang dating ng kanta ng mga ito, lalo na 'yung mga love songs.

Kaya hindi na siya nagtataka sa tinatamasang kasikatan ng mga ito sa ngayon. Their audience just couldn't get enough of them. At nakatulong doon na ang bawat miyembro ng banda ay biniyayaan ng Diyos ng mga guwapong mukha. Wala siyang partikular na gusto sa mga ito. Lahat gusto niya. Ang gloomy at mysterious vocalist na si Tommy Fontanilla, ang palabiro at masayahing drummer na si Raijin Verzosa, ang very friendly at sensitive lead guitarist na si Lancer Payumo at ang suwabe pero nuknukan ng playboy na bassist na si Jaycob Zamora. Wala siyang itulak-kabigin. Lahat, gusto niyang kabigin.

Napangisi na lang siya sa ideyang iyon. Naalala pa niya nang unang beses niyang makita sa isang music television ang mtv ng banda ng mga ito. She wasn't watching at that time dahil abala siya sa pagkain. Pero nakuha nga ng musika ng mga ito ang kanyang atensyon at nang mapatutok ang mga mata niya sa telebisyon, hidni na siya kumurap. Those men were just as mesmerizing as their music. Mula nang araw na iyon, naging miyembro na siya ng fansclub ng mga ito. At kung wala pa ngang fansclub ang mga ito nang panahong iyon, at kung may time lang talaga siya, siya na mismo ang magtatayo ng altar para sa mga ito.

Kaya nga nang yayain siya ng kaibigan at ka-officemate na si Julie para sa gig ng Sentinel sa bar na iyon, hinalikan talaga niya ito sa pisngi. Ilang beses na rin kasi siyang nauubusan ng front row tickets sa concerts ng mga ito. Hindi tuloy niya nasisilayan nang husto ang mukha ng mga ito. Pero umayon sa kanya ang tadhana ngayon. Dahil heto siya, nasa harap mismo ng stage kung saan magpe-perform ang pinakamamahal niyang Sentinel. At ang band manager pa talaga ang naghatid sa kanila sa puwesto nila.

I just love my life tonight!

Excited na siya. Gusto niyang sumigaw kung hindi lang nakakahiya sa ibang tao roon. Kung meron lang talagang mauunang sisigaw ngayon, susuportahan niya iyon. She just couldn't contain her excitement anymore. Kailangan niya ng distraction.

Nilingon niya ang kaibigan. "Julie," untag ni Myla. "Bakit bigla kang natahimik diyan?"

"H-ha?"

"Ano ba ang tinitingnan mo riyan?"

Susundan sana niya ng tingin ang direksyong kanina pa nito tinititigan ngunit agad nitong ibinaling ang kanyang mukha pabalik sa harap ng stage.

"Wala! Manood ka na lang sa mga lalaki mo. Hayan, palabas na sila ng stage."

"Oo nga! Yey! Pero bakit wala si Lancer? Nasaan na iyon?"

Saka naman lumabas ng stage ang hinahanap niya. Na-late lang siguro. The band started to test their instrument and the crowd went wild. Siyempre, join siya sa pagtili.

"Are you ready to party?" sigaw ni Tommy mula sa stage.

"Kanina pa!" pasigaw din niyang sagot.

Ilang sandali pa ay pumailanlang na ang maingay at nakakaengganyong musika ng Sentinel kasabay ng pagkislap ng mga ilaw pati na ng nakakabinging hiyawan ng mga tao roon. Hindi na rin tumigil ang puso niya sa pagtibok. Kahit parang sasabog na ang utak niya sa lakas ng tugtog dahil malapit nga sila sa stage, okay lang sa kanya. She would die happily. Nakisayaw siya kasabay ng mga nahihibang na yatang audience ng Sentinel, naki-headbang at nakitili sa lahat. Wala siyagn pakialam kung sira ulo na ang tingin sa kanya ni Julie ngayon. Ipagpapalit niya ito sa Sentinel anomang oras. Ganun niya kamahal ang bandang iyon. May isa lang siyang napansin kay Lancer.

Binalingan niya ang kaibigan. "Babae, bakit ang lagkit ng tingin sa iyo ni Fafa Lancer?"

"Inlove yata sa akin," pabiro nitong sagot.

"Hmp! Mabuti na lang at meron pa akong Fafa Jaycob...at Fafa Tommy...at FAfa Raijin. Hindi ko na aagawin sa iyo si Fafa Lancer. Pero...talagang hindi ka niya nilulubayan ng tingin, huh. Sarap mong sabunutan. Kainggit ka, bakla!"

Tumawa lang ito. But she knew something was going on between the two. Hindi na nga lang niya iyon pinagtuunan ng pansin dahil mas abala siya sa panonood ng performance ng Sentinel.

Hindi pa siya nakuntento sa kinapupuwestuhan niya. Talagang lumapit pa siya nang husto sa stage saka nakisabay sa pagkanta ni Tommy. Nasa harapan na rin niya mismo ang bassist na si Jaycob. At mukhang lunod na lunod na rin ito sa pagtugtog ng gitara nito dahil napansin niyang nakapikit na ito. Sa lahat ng Sentinel members ay ito talaga ang hindi niya napapalagpas na pansinin. There was just something in the way he moves when he's playing his guitar that always get her attention. Kaya sa unang pagkakataon mula nang mabaliw siya sa naturang banda, natutok lang sa iisang miyembro niyon ang kanyang mga mata.

Jaycob always wears his hair a bit longer than the usual. At ang signature move nito, lagi itong nakayuko habang tumutugtog kaya naman nakatabon sa mukha nito ang ilang hibla ng buhok nito. Kaya tuloy, madalas ay hindi nakikita ang mukha nito kapag nagpe-perform ang kanilang banda. Hindi ito tulad ni Lancer na madalas binibigyang pansin ang mga audience. Ngayon lang niya natutukan ang mukha nito, actually. At ngayon lang din niya parang naintindihan kung bakit itinatago nito ang mukha nito sa bawat performance ng kanilang banda.

Ayaw niyang ma-distract.

Unti-unting natahimik ang excitement niya habang patuloy itong pinagmamasdan. And then he opened his eyes. It was like he sensed someone was looking at him, before he slowly turned to her direction. Tila ba alam na alam na nito kung nasaan ang nararamdaman nitong nakamasid dito. Patuloy lang ito sa pagtutog hanggang sa tuluyang magtama na ang kanilang paningin. Without turning up his head and without breaking eye contact with her, a lazy smile slowly appeared on his lips before he winked at her.

Kulang ang salitang shocked para maipaliwanag niya ang nararamdaman niya nang mga sandaling. Tila may kung anong sumundot kasi sa puso niya sa ginawang iyon ni Jaycob. Para nga ba talaga sa kanya ang ngiti at kindat na iyon? Lumingon-lingon siya sa paligid at mukhang nakita ng ibang mga babae na malapit sa kanya ang pangiti at pagkindat nito dahil halos mabingi siya sa biglang pagtitilian ng mga ito.

Hay naku, Myla, asa ka pa. para sa lahat ang ngiti at kindat na iyon ni Jaycob Zamora.

Pagbaling niyang muli sa stage, kay Jaycob, nakita niyang nakatingin pa rin ito sa direksyon niya. At base sa ekspresyon ng guwapo nitong mukha nang mga sandaling iyon, tila ba inaakit pa siya nito.

Nakita niyang gumalaw ang mga labi nito. He was singing along with Tommy.

"If only you would love me instead of him, you won't be alone again...If you just love me instead of him, you wouldn't have to cry anymore...You wouldn't need to look for someone else, here's my heart just waiting for you...If only I'll be the one..."

Then it was Jaycob's solo performance. He moved closer to the crowd, finally closed his eyes and gave his best with his bass guitar. The best she had ever heard him play.

Oh, my veggies! Naaakit ako! Syet!

For The Love Of Myla (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon