MASAMANG-MASAMA ANG loob ni Myla habang nakatayo sa labas ng condo unit ni Jaycob. Alas onse na ng umaga. Pero imbes na nagpapakalunod siya ngayon sa kanyang trabaho, heto siya. Nag-aabang sa magiging kapalaran niyang nakasalalay sa binata.
Kahapon kasi, nang ipatawag siya ng kanyang amo sa opisina nito ay kinompronta siya nito. He didn't like the idea that one of his employees tried to steal something from someone. From his nephew, nonetheless! Nagpaliwanag siya na wala siyang kasalanan pero mukhang gaya ng pamangkin nito, hindi ito naniniwalan sa kanya. Kaya kahit napatawad na siya ni Jaycob, hindi pa rin daw matatahimik ang kunsensiya nito. Malaki kasi ang utang-na-loob ng amo niyang iyon sa pamilya ng binata at hindi nito matanggap ang ginawa niya laban dito. Wala na raw itong mukhang maihaharap sa pamilya ni Jaycob kapag nagkatipon-tipon ang pamilya ng mga ito dahil nga sa nangyaring iyon. Sisante sa trabaho sana ang ipapataw nito sa kanya ngunit nakiusap talaga siya na gagawa na lang ng ibang paraan upang makabawi sa binata.
Kaya heto siya ngayon. "Pambihirang buhay talaga 'to! Ikaw na nga ang gumawa ng mabuti, ikaw pa ang may kasalanan!"
What the heck was the reason behind all this? Nakakasama ng loob ang mga nangyari. Pero gaano man siya maasar ngayon, wala na rin naman siyang magagawa. Kaya haharapin na lang niya ang panibagong problemang ito. Ngayon higit kailanman, mas kailangan niya ang trabaho niya. Sa susunod, mag-iingat na lang siya sa mga taong tutulungan niya at nang hindi na siya nalalagay pa sa mga ganitong sitwasyon.
Pinindot niya ang buzzer ng pinto ng unit nito. Walang sumasagot. Hindi kaya nasa ibang lugar si Jaycob dala ng mga concerts at gigs ng banda nito? Babalik na lang siguro siya—
"O, anong ginagawa mo rito?"
Sa likuran niya nanggaling ang boses. It was Jaycob himself. Lumagabog ang kaba sa kanyang dibdib nang makita ito. Ang lakas talaga ng dating ng lalaking ito. Kahit nagpasya na siyang hindi na ito magugustuhan ay hindi pa rin niya maiwasang hangaan ang guwapong mukhang iyon. Ang magandang katawan at mapang-akit na mga mata. At ang...lahat...lahat dito. 'Yun lang.
"A...a-ano, kasi..."
He raised his brows in question. Lalo lang tila umurong ang dila niya. Darn! Talagang nakakasira ng konsentrasyon ang presensiya ng lalaking ito!
"Look, I'm really tired," wika nito. "Magdamag akong walang tulog dahil sa out-of-town concert namin. Kaya kung ano man ang kailangan mo sa akin, sabihin mo na ngayon dahil gusto ko ng magpahinga."
And he's nice too. "Pinapunta ako rito ng boss ko."
"Ni Uncle? Bakit daw?"
"Hindi niya matanggap na madali mo akong napatawad sa nagawa ko sa iyo. Wala raw siyang mukhang maihaharap sa iyo at sa pamilya mo kapag hindi ako nakabawi sa iyo."
"So?"
May pagkaantipatiko lang ng kaunti. "I had to work for you for a week."
Gaya nang huling beses sila nitong nagkita noong nakaraang araw, pinagmasdan lang siya nito nang hindi nagsasalita. At gaya rin ng naging reaksyon niya noon, unti-unti na naman siyang naiilang sa paraan ng pagtitig nito sa kanya.
"You know," wika niya mayamaya. "Staring is rude."
"Not in my book." Lumapit ito sa kanya.
Ay mali. Sa pinto pala ng condo nito. Bahagya pa niyang naamoy ang pabango nito. Na kung hindi siya nagkakamali ay pabango ng babae. Lihim siyang napasimangot.
Sa concert daw nanggaling. Baka sa isa sa mga babae mo.
"Hindi ko kailangan ng katulong." He turned to her with that beautiful eyes of his. Her heart jumped.
BINABASA MO ANG
For The Love Of Myla (Completed)
RomansaTahimik na humahanga si Myla sa bandang Sentinel nang magkasagup sila ng isa sa mga miyembro niyon. Ang playboy con bassist na si Jaycob Zamora. Maganda na sana ang imahe ng banda sa kanya kung hindi lang dahil sa isang asungot na ito na ang tingi...