NAGISING SI Myla nang maramdaman ang mahinang pagyugyog na iyon sa kanyang balikat. When she opened her eyes, ang guwapong imahe agad ni Jaycob ang sumalubong sa kanya. At lalo itong naging kaakit-akit sa kanyang mga mata dahil tila ba ginawa ang malamlam na liwanag na iyon ng lampshade para mas lalo pang ma-enhance ang gandang lalaki nito, kahit na nga gulo-gulo pa ang buhok nito na halatang kagigising lang.
"Hey..." bati niya rito.
"Hey yourself. Bakit hindi ka pa umuuwi? Gabi na, ah."
"Gabi na ba?" Naghanap siya ng bintana nang hindi man lang kumikilos sa kinauupuan niya. Maganda kasi ang pakiramdam niya nang mga sandaling iyon kaya tinatamad pa siyang kumilos. "Hindi ko napansin. 'Cute pala dito sa lugar mo, 'no? Hindi makikita kung anong oras na."
"Ang liwanag ng labas ang ginagawa mong orasan?"
"Cute. 'no?" Niyakap niya dampot na throw pillow at ngumiti dito. "Hmm..." Nagpamaywang lang ito saka kunot-noo siyang pinagmasdan. "You know, Jaycob, everytime you look at me, I have this strange feeling that you're somehow attracted to me."
Saglit na nawala ang kunot sa noo nito. Pagkatapos ay kinuha lang nito ang yakap niyang throw pillow at inihagis iyon sa kanyang mukha.
"Get up. Gabi na. kailangan mo ng umuwi." Tinalikuran na siya nito. "Ihahatid na kita."
Pero tinatamad pa talaga siyang tumayo. Kaya imbes na kumilos ay itinaas pa niya ang kanyang binti sa kinauupuan niyang lovechair. Maliit lang naman siya kaya kasyang-kasya siya roon.
"Hay..." hinayaan niyang dumausdos ang katawan niya sa malambot na upuan. "Ham...bur...dyer—" Bagsak siya sa carpeted floor. "Aray..."
Iyon na rin ang nakapagpagising sa kamalayan niyang limang minutong inaagiw muna bago tuluyang tumino. Lulugo-lugo pa siyang bumangon nang may isang kamay na umalalay sa kanyang makabangon.
"What a lousy woman," sambit ni Jaycob. "Kung gusto mong matulog, doon ka sa kuwarto ko."
"Ha?"
Pinagpagan pa nito ang damit niya. "Pero kung ayaw mo na, ihahatid na kita. I need more rest. At hindi ako makakapaghinga nang husto kung may nakikita akong ibang tao sa paligid."
In short, pinapalayas na siya nito. "Hindi. Salamat na lang. Inantok lang ako kanina dahil sa layo ng biyahe nitong condo mo sa workplace ko. Sige, uuwi na ako. Anong oras mo nga pala ako kailangan dito?"
"May tv interview kami ng alas kuwatro ng hapon. Be here by twelve tomorrow. May meeting pa kami sa recording studio with our manager bago kami tumuloy sa tv interview na iyon."
"Okay." Patalikod na siya nang muli itong marinig. Subalit hindi iyon ang nakapagpahinto sa kanya kundi ang kamay nitong pumigil sa kanyang braso.
At tila ito man ay nagulat sa ginawa nito kaya mabilis nitong binitiwan. "Ah...sigurado kang ayaw mo ng magpahatid?"
Tumango lang siya. "Maaga pa naman kaya marami pa akong masasakyan pauwi. Matulog ka na lang uli dito."
"I will. You don't have to remind me of that."
"At hindi mo rin ako kailangang tarayan." Sinuklay niya ang nagulong buhok. "Pinakialaman ko na rin pala ang kusina mo. Nagluto ako ng kaunti. Kumain ka bago ka matulog ulit."
Then she headed for the door. Nasa tapat na siya ng elevator nang pansinin niyang muli ang malakas na tibok ng kanyang puso. Weird. Bakit kaya ganon na lang lagi ang reaksyon niya sa lalaking iyon? Wala naman itong ginagawang extra ordinary para sa kanya. Sinulyapan niya ang kanyang braso na hinawakan nito. Bumalik din sa alaala niya ang munting aksidenteng nangyari sa sala kanina. Lalo lang dumoble ang pag-arangkada ng tibok ng puso niya.
BINABASA MO ANG
For The Love Of Myla (Completed)
Storie d'amoreTahimik na humahanga si Myla sa bandang Sentinel nang magkasagup sila ng isa sa mga miyembro niyon. Ang playboy con bassist na si Jaycob Zamora. Maganda na sana ang imahe ng banda sa kanya kung hindi lang dahil sa isang asungot na ito na ang tingi...