NAKASALAMPAK NA sina Jaycob at Myla sa sahig habang nilalantakan ang biniling hambumger ng binata. Sa harap nila ay nakasalang ang isa sa mga pelikulang napili nilang panoorin.
"Bakit ba ang mga romantic films, laging sa ending nagkakabalikan?" tanong niya. "Bakit hindi na lang sa gitna o kaya ay sa unahan. O kung magkakahiwalay naman sila, dapat sa umpisa pa lang hiwalay na sila para alam na ng mga manonood na isa iyong love story na walang happy ending."
"Hindi ko na-gets ang logic ng sinabi mo."
"Ako rin. Halika, kain na lang tayo."
"Mabuti pa nga."
Pinagsugpong nila ang kani-kanilang inumin saka muling pinagpiyestahan ang mga hamburger sa harap nila.
"Ang takaw mo yata ngayon," pansin niya rito. "Anong nakain mo?"
"Hamburdyer."
Natawa na lang siya. "Sira ka talaga."
"Sa iyo ko natutunan iyon. Magaling naman akong estudyante kaya natuto ako agad."
"Mas magaling ako sa iyo. Four days pa lang ako na kasama ka, ang dami mong natutunan sa akin." Saglit siyang napaisip. "Ang bilis ng araw, ano? Nakaka-apat na araw na pala ako sa iyo."
"Dagdagan natin ang time mo sa poder ko. I won't mind."
"I would. May trabaho pa akong dapat balikan."
"Sa akin ka na lang magtrabaho. I'll double your salary."
"Huwag mo akong akitin."
"Triple."
Tiningnan lang niya ito. Tila tumalon na naman ang puso niya nang mapagmasdan ang guwapong mukhang iyon. Oh, yeah. This was the man she had fallen inlove with. Napaka-tuso talaga minsan ng pag-ibig. Dahil dumarating na lang ito nang walang paalam at nagpaparamdam na lang kapag wala ka ng kawala.
Marahan siyang umiling. "Hindi talaga puwede."
"Pareho lang namang trabaho iyon. Bakit hindi puwede? Mas malaki pa nga ang magiging suweldo mo sa akin. You did say you needed money, right?"
"Oo nga. Pero..." Pero hindi siya puwedeng magtagal sa poder nito dahil siguradong darating ang araw na malalaman nito ang nararamdaman niya. At masasaktan lang siya. Hindi nga naman kasi ito puwedeng mahalin. Ito na mismo ang malinaw na nagsabi niyon sa kanya. Hindi ba?
"Basta hindi puwede."
Nag-ingay ang cellphone nito. Inabot niya iyon upang sagutin. Iyon nga lang, nagkasabay sila ni Jaycob kaya ang nangyari ay ang kamay nito ang nahawakan niya imbes na ang cellphone. Automatic na nagkatinginan silang dalawa. Nagparamdaman naman sa kanya ang puso niyang nagmamahal sa lalaking kaharap niya ngayon. Mabilis niyang binawi ang kanyang kamay.
"Sorry, akala ko kasi ako pa rin ang sasagot ng tawag mo."
Ibinaba lang nito ang cellphone. "Sige, pakisagot."
"Ah, ikaw na. Tutal naman gising ka." Sinilip niya ang pangalan ng caller. "Its Vanessa."
Sinagot nga nito ang tawag. Lihim na lang siyang napasimangot sa isang tabi. Sinabi lang na sagutin, sinagot nga. Hindi talaga ito marunong magpabalat-bunga.
"I can't come right now," narinig niyang wika ni Jaycob. "I'm a bit busy at the moment. Next time na lang. Just enjoy the party even without me. I'll see you later. Bye."
"Bakit hindi ka sumama sa kanya?"
"Alangan namang iwan kita rito mag-isa. Besides, mas gusto ko ang katahimikan ngayong gabi. I had a hectic day. Kailangan ko ring magpahinga paminsan-minsan."
"Kung ganon, kailangan ko ng umalis para makapagpahinga ka na."
"Hindi naman kita pinapaalis. Nasabi ko na sa iyo kanina, sanay na akong kasama ka kaya nakakapagpahinga pa rin ako kahit nandito ka. Ah, wait." Hinila siya nito at pinaupo ng maayos sa sofa. "May kukunin lang ako."
Nagtungo ito sa silid nito sandali at paglabas ay dala na nito ang isang gitara. It wasn't his bass guitar but the usual guitar. Naupo ito sa tabi niya saka iniabot sa kanya ang mga papel na dala nito. Ah, hindi pala papel kundi lyric sheet.
"Ikaw ang gumawa nito?"
Tumango ito. "Usually, si Tommy ang nagko-compose ng mga kanta para sa Sentinel. Pero once in a while, binu-bully niya kami na gumawa ng mga sarili naming composition since alam niya na pare-pareho kaming marunong gumawa ng kanta. Kapag nagustuhan ng mga record producers ang finish product, saka namin idinadagdag iyon sa albums."
"Mabait din pala si Tommy, ano?"
"Hindi lang talaga palasalita si Tommy pero siya ang pinakamatino sa grupo namin."
"Parang ikaw. May pagkantipatiko pero mabait din."
"You're having problems with that?"
"Dati, oo. Ngayon...medyo na lang."
"Don't worry, magbabago na ako."
She looked up to him. Hindi niya nahuli kung ano ang ibig sabihin ng sinabi nito dahil abala na ito sa pagtototono sa gitara nito. Pero dinig na dinig niya ang mga sinabi nito. Magbabago raw ito para sa kanya.
To have someone who would want to be a better person for you, wasn't that...really nice?
BINABASA MO ANG
For The Love Of Myla (Completed)
RomanceTahimik na humahanga si Myla sa bandang Sentinel nang magkasagup sila ng isa sa mga miyembro niyon. Ang playboy con bassist na si Jaycob Zamora. Maganda na sana ang imahe ng banda sa kanya kung hindi lang dahil sa isang asungot na ito na ang tingi...