KASABAY NG masuyong tugtog ng gitara ay ang malamyos na boses ni Jaycob.
"I don't know when it all started, when my head became dizzy with thoughts of you... These thoughts would often pop up in my mind, I feel anxious as my heart expands towards you...It's nothing, It's just a little thing, your words are awkward to me..."
Hindi makatingin ng diretso si Myla sa binata. Masyado kasi siyang apektado ng kantang iyon. Natatakot siyang kapag sinalubong niya ang mga mata nito ay malaman nito ang totoong damdamin niya rito. Mamaya, pagalitan na naman siya nito. Bawal pa namang magkagusto siya rito.
"Is it love?...If you feel the same way, is it a beginning?... My heart keeps saying it loves you, it screams out for the whole world to hear...Why has it taken so long for me to hear it?... We've finally met, finally found love..."
Hay, kung sana ay totoo na lang ang sinasabi ng kantang iyon tungkol sa nararamdaman nito sa kanya. Sana nga, iyon na lang ang damdamin ni Jaycob. Para ebribadi hapi.
"Please don't ever leave me again...Even the shortest moments without you make me uneasy...Please stay by me...I already love you so much..." Huminto na ang pagkanta nito pati na ang pagtipa sa gitara. "Parang hindi rhyme. What do you think? Pangit ba? Marami bang dapat palitan?"
"Hindi, ayos na ito."
"I don't like your answer." Inagaw nito sa kanya ang lyric sheets. "Papalitan ko na lang lahat ito."
"No!"
Inilayo nito sa kanya ang mga papel nang tangkain niya iyong agawin. Bumagsak tuloy ang katawan niya sa matipuno nitong dibdib. Mabilis naman siyang lumayo rito nang ma-realize kung ano ang nangyari. Pero hindi na naman siya agad pinakawalan ni Jaycob. Bagkus ay ikinulong pa siya nito sa mga bisig nito.
"Let's analyze these lyrics together," wika nito sa malambing na boses. "Shall we?"
And so with her wrapped around his arms, and his face resting casually on her head, they read the sheets of paper. Ewan lang niya rito, pero siya ay wala talagang naintindihan kahit isang salita sa mga nakasulat doon. Minsan pa nga ay hindi na rin niya halos ma-recognize kung ano ang letra sa nota. Nagkakahalo-halo ang mga tinitingnan niya dahil ang isip niya ay okupado ng lalaking nasa tabi niya ngayon. At ang puso niya, abala sa kung paano pipigilan ang sarili na huwag mahalata ang matinding pagkabog na iyon sa kanyang dibdib.
"I wrote this when I first saw you," wika nito. "I guess you strike me as an inspiration."
Tinitigan niya ang lyric sheet. "Jaycob, wala iyon dito na-compose mo."
"Siyempre. Dahil sinabi ko lang iyon." She felt him gently pat her head. "Silly girl."
So...siya ang inspirasyon nito sa pagsulat ng kantang iyon? Ganon? Ay, sosyal! Aw!
"Ayaw ko sanang magsulat kaya lang parang bubuyog sa tenga ko ang mga ideya," patuloy nito. "Hanggang sa namalayan ko na lang na nagsusulat na ako ng kanta."
"Para ka palang napo-possess kapag nagsusulat ka, ano?"
"Parang ganon na nga. Masamang espiritu ka yata kasi."
"You know, Jaycob, kaya pa rin kitang kagatin ngayon."
"Siyempre ayoko niyan."
She sighed as she started to settle herself in his warmth. "Kung ako ang inspirasyon mo sa kantang ito, ang ibig sabihin ay para sa akin din ito?"
BINABASA MO ANG
For The Love Of Myla (Completed)
RomansaTahimik na humahanga si Myla sa bandang Sentinel nang magkasagup sila ng isa sa mga miyembro niyon. Ang playboy con bassist na si Jaycob Zamora. Maganda na sana ang imahe ng banda sa kanya kung hindi lang dahil sa isang asungot na ito na ang tingi...