"MYLA, I'M GLAD you came."
"Jeremiah."
"Wow. You look stunning."
"Thank you."
Nakarating din siya ng Minna Studios matapos siyang ilang beses na nagpaikot-ikot sa kalyeng iyon sa labas sakay ng taxi dahil hindi pa siya makapagdesisyon kung tutuloy nga sa okasyong iyon. Hanggang sa huli ay nagpasya na siyang tumuloy na lang tutal naman ay naroon na siya.
Maraming tao sa malawak na bakuran ng Minna Studios. Lahat ay mga prominenteng tao sa larangan ng music industry. Akala niya ay isang simpleng celebration lang iyon kaya simple lang din ang isinuot niyang damit.
"Nakakahiya, Jeremiah. Hindi bagay ang damit ko rito."
"Oh, no one would be looking at your dress, Myla. So don't worry about it. Let's go?"
"Let's go? Saan?"
"We'll mingle around. Ipapakilala kita sa ibang bisita para hindi ka naman mag-isa kapag kinailangan ko ng makipagbolahan sa ibang record producers na imbitado ko."
"Ah, okay." Subalit nakuha na ng isang tao roon ang kanyang atensyon. "Jaycob..."
At gaya ng inaasahan niya, may kadikit nga itong maganda at matangkad na babae. Agad binalot ng lungkot at selos ang puso niya. Nag-iisip tuloy siya kung tama ba ang naging desisyon niyang tanggihan ang alok nito kagabi. Kaya lang kasi, kung sakaling tinanggap niya iyon ay magiging masaya rin naman kaya siya, knowing that he would only see her as one of his plaything?
She loves him, yes. But she also loves herself. Ayaw niyang maging palipasan lang ng oras ng isang rakistang richy rich. Nalulungkot siya pero siguro naman ay darating din ang araw na matatanggap na niya ang lahat ng iyon.
"Myla?" untag ni Jeremiah.
"Huh?"
"I want you to meet Mr. Carlos Montario..."
Hindi na niya nasundan pa ang mga sinasabi ni Jeremiah dahil nabaling na kung saan ang atensyon niya. Jaycob still looked dashingly elegant even in his signature black denims and shirt. Just like the way he had looked last night when she said her goodbye to him. Guwapo pa rin ito at walang anomang bakas na naapektuhan ito ng nangyari sa kanila gaya ng sinasabi ni Lancer.
He doesn't feel the same way as she did to him.
"Myla, puwede bang maiwan na muna kita sandali? May kakausapin lang akong tao. I hope you don't mind."
"No, its okay. Go ahead."
"Thanks. Anyway, magsisimula na ang performance ng Sentinel. Siguradong mag-e-enjoy ka kahit wala ako sa tabi mo."
"I will."
Iniwan na siya ni Jeremiah. Siya naman ay hinanap ang kaibigang si Julie. Siguradong naroon din ito dahil kasintahan ito ng isa sa mga members ng Sentinel. Pero ilang sandali na rin siyang naghahanap ay hindi pa rin niya makita ang kaibigan. Linsyak na babae iyon! Saan ba iyon nagtatago? Sasabunutan talaga niya iyon sa kilikili kapag nakita niya. Pinahihirapan siyang maghanap!
"Why didn't you tell me you're coming here tonight."
Sa gulat sa nagsalita sa likuran niya ay natapon tuloy ang iniinom niyang champagne sa suot niya. Jaycob was suddenly by her side. He took the glass wine and helped her get rid of the excess wine spilled on her dress.
"Its fine," wika niya rito habang pilit na lumalayo rito. "Kaya ko na 'to."
"Kailangan mong basain iyan bago tuluyang mag-sip in ang mantsa sa damit mo." Hinawakan siya nito sa braso saka hinila sa kung saan. "May malapit na comfort room dito."
Hindi sila huminto sa paglalakad hangga't hindi nakakarating sa sinasabi nitong banyo. Hindi rin namna siya makapagreklam o makapagsalita dahil mukhang wala itong balak na pakinggan ang anomang magiging protesta niya nang mga sandaling iyon. Kaya sumunod na lang siya.
"Magbasa ka ng tissue na makikita mo riyan," wika nito nang hayaan siyang makapasok sa banyo. "Saka mo i-dab sa namantsahan ng alak."
Subalit pagpasok niya ng banyo ay nanatili lang siyang nakatayo roon imbes na sundin ang mga mga sinabi nito. She was looking at the closed door, where Jaycob was just on the other side.
"I heard Jaycob's voice," wika ng isang babae na kalalabas lang sa isa sa mga cubicle. Nagulat pa na nang makita na ito ang babaeng kasama ni Jaycob. "Siya ba 'yung narinig kong nagsalita kanina, Miss?"
"Oo."
Tumango lang ito. Pagkatapos ay naghugas ito ng kamay saka nag-retouch ng make-up.
"You know, kung ako sa iyo ay susundin ko na ang mga sinabi ni Jaycob. Wine stain was never good on a woman's dress." Binigyan siya nito ng tissue.
"Salamat." Lumapit na rin siya sa sink upang basain ang tissue.
"What's your name?"
"Myla."
"My name's Janeth. You and Jaycob know each other?"
"Ah..."
"Kanina ka pa niya tinitingnan mula nang dumating ka kasama si Jeremiah. Hindi ako selosang tao. Pero naiinis ako kapag ang mga taong kasama ko ay iba ang pinagkakaabalahan. Do you like him?"
"Ha?"
Napaka-straightforward naman ng babaeng ito. Pero mabuti na rin siguro ang ganon para wala ng paligoy-ligoy pa.
"Yes."
Napahinto ito sa paglalagay lipstick at napatingin sa kanya. "May relasyon ba kayong dalawa?"
"Wala."
"Funny. But I could feel something was going on between the two of you." Tapos na marahil itong mag-retouch kaya naharap na siya nito. "Kung may gusto ka sa kanya, you better take him. Dahil kung hindi, aangkinin ko siya. At sisiguraduhin kong hinding-hindi mo na uli siya makukuha sa akin kahit kailan."
Natural gusto niyagn tumutol. Gusto niyang murahin ang babaeng hitad na ito pero wala siyang tapang na gawin iyon. Wala kasi siyang karapatang umastang kaya niyang ariin ang isang tulad ni Jaycob dahil unang-una, hindi naman siya nito mahal.
"Okay," mahina niyang wika. "Make him happy. Would you?"
"Don't worry. Madali lang sa akin iyon. See yah!"
Nang marinig niyang bumukas ang pinto ng CR na iyon ay narinig niyang nag-usap ang dalawa. Sina Janeth at Jaycob.
"I met a funny girl inside, Jaycob. She said she wanted me to make you happy. Wasn't that nice?"
Ilang sandali rin bago sumagot ang binata. "Yeah. Bumalik na tayo sa party. Mag-uumpisa na ang performance namin."
"Okay. Let's go."
Habang tinutuyo niya ang namantsahang damit, patuloy namang nababasa ang ibang bahagi niyon dala ng kanyang mga luha.
BINABASA MO ANG
For The Love Of Myla (Completed)
RomansaTahimik na humahanga si Myla sa bandang Sentinel nang magkasagup sila ng isa sa mga miyembro niyon. Ang playboy con bassist na si Jaycob Zamora. Maganda na sana ang imahe ng banda sa kanya kung hindi lang dahil sa isang asungot na ito na ang tingi...