SOBRANG TAHIMIK sa condo ni Jaycob. Hindi iyon ma-take ni Myla kaya pinakialaman na niya ang stereo component nito. Beethoven's violin sonata filled the air and her heart. Naiiyak na naman siya na hindi niya maintindihan. Basta ang alam niya, hindi iyon dahil sa nakurot niyang braso kanina.
Kung bakit naman kasi nagtuloy pa siya sa unit ng kurimaw na iyon, eh? Dapat ay iniwan na lang niya ang susi nito sa lobby ng gusaling iyon. Ngayon tuloy, mukha siyang tanga roon na umiiyak ng walang dahilan. Pero...wala nga ba talagang dahilan ang mga luha niyang iyon? Parang mas magmumukha siyang tanga kung ganon. And then she remembered the scene she witnessed at the backstage of the Araneta Coliseum. Kung saan nakikipaghalikan si Jaycob sa isang babae. She wiped away her tears as she headed for his bathroom to wash her face. Ano ba naman kasi ang ipinagkakaganon niya? Its not as if she haven't seen him kissing another woman before. He was a playboy. Hindi na siya dapat bago ng bago sa mga eksenang tulad ng nakita niya kanina. Kaya lang kasi...
She looked herself in the mirror. Namumula pa rin ang kanyang mga mata kaya kahit naghilamos na siya ay halata pa rin na umiyak siya. At ang lintik na mga luha niya ay ayaw pa ring tumigil.
Tanggapin mo na kasi, Myla. Kaya ka umiiyak ay dahil nasaktan ka sa nakita mong pakikipaghalikan ni Jaycob kanina.
"Ang sama mo," reklamo niya sa sariling repleksyon sa salamin. "Bakit kailangan mo pang linawin sa akin iyan?"
Well, that's just it. She got jealous. She was hurt. Kaya siya ngayon umiiyak. At kaya rin tila pinipiga ang puso niya kanina. Ang lahat ng iyon, iisa lang ang pinagmulan.
She was inlove with Jaycob Isarel Zamora.
"Truli?" tanong pa niya sa sarili. "Paano nangyari iyon?"
Malakas siyang napasigaw nang sumulpot ang imahe ni Jaycob sa salamin. Nasa likuran lang pala niya ito.
"Kailan mo ba titigilan iyang panggugulat mo sa akin, Jaycob? Lagi ka na lang ganyan. Hindi ka na nakakatawa."
"What are you doing here? Hindi ba't pinauwi na kita?"
Ouuuuuccch! Nagdadabog niyang pinunasan ang kanyang mga luha na hindi mahahalatang luha dahil basa pa ang mukha niya.
"Oo, uuwi na po. Idinaan ko lang ang susi ng condo mo dahil nakalimutan kong ibigay sa iyo kanina." Nilapitan niya ito at basta isinalpak sa dibdib nito ang susi nang hindi ito tinitingnan ng diretso. "Here. Goodnight."
He held her hand with the key. And didn't let her go.
"My hand, please."
"Are you crying?"
"Hindi. Naghilamos lang ako."
"Namumula ang mga mata mo."
"Humithit kasi ako ng katol, eh."
"Myla."
"Siyempre, joke lang iyon." Pinilit niyang bawiin ang kanyang kamay nang hindi pa rin ito nililingon. "Kailangan ko ng umalis. Makakaistorbo lang ako sa inyo ng kasama mo."
"Wala rito si Roberta. Sumama ang pakiramdam ko kaya inihatid ko na lang siya sa apartment niya."
"Ah. So, puwede ko na bang mabawi ang kamay ko?"
"Bakit ka umiiyak?"
"Hindi nga sabi ako umiiyak."
"I saw you cried when we first met. Kaya alam ko kung umiyak ka o hindi."
"Hindi mo naman ako ipapakulong kaya imposibelng umiyak ako," pagmamatigas niya. "'Yung kamay ko, kailangan ko ng umalis. Pagod ako at inaantok. Gusto ko ng magpahinga."
"Kung ganon magpahinga ka muna dito sandali."
"Hindi ka makakapagpahinga kung nandito ako."
"Nasanay na ako sa presensiya mo. Makakapagpahinga na ako kahit gumala-gala ka pa sa buong bahay ko." Idinampi nito sa basa niyang pisngi ang naabot na tuwalya. "You can use my room. Hindi pa naman ako matutulog dahil may kailangan pa akong tapusing composition."
"Hindi na. Salamat na lang. Kung dito ako matutulog, hindi rin naman ako mapapakali. Hindi kasi ako sanay ng may kasama. At ayokong isipin ng mga makakakita sa akin na isa ako sa mga babae mo. Baka pagtawanan ka lang ng mga fans mo."
"What?"
"Just let my hand go, Jaycob."
"No."
"Kakagatin kita."
"Kagatin mo."
Sa wakas ay nagawa na rin niya itong harapin. At naubos yata ang lahat ng willpower niya para lang hindi bumigay na naman ang puso niya nang makita ang guwapong mukhang iyon ng lalaking naging espesyal na sa kanya nang hindi niya inaasahan.
"Bakit ba ayaw mo akong pakawalan?"
"I want you to rest."
"I am going to rest. At home."
"Kung dito ka magpapahinga, maaalagaan kita."
Hala, hayan. Natigatig na naman ang puso niya. Pero pinatatag uli niya ang sarili. She wouldn't cry in front of him anymore. Ayaw niyang kaawaan na naman siya nito.
"Kaya kong alagaan ang sarili ko." May itinuro siya sa likuran nito. "Uy, o!"
Nang maramdamang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay niya ay agad niyang binawi iyon.
"Bye."
"Myla."
"Bakit?"
"Gusto mong kumain muna ng hamburdyer?"
Of course she doesn't want to. Not when she just realized that she had fallen inlove with him the moment she felt her heart being broken. Dapat talaga ay naglalakad na siya palayo rito. 'Yung malayong-malayo na halos hindi na niya alam kung paano bumalik. Para lang masigurong hindi na uli niya mararanasan ang sakit na naranasan niya kanina nang makita itong may ibang babaeng kasama. Kaya lang, pagdating talaga sa pag-ibig, puso pa rin ang masusunod.
Nilingon niya ito. "May coleslaw ba iyan at extra cheese?"
He smiled. His cute dimples appeared. And her heart says 'I surrender!'
BINABASA MO ANG
For The Love Of Myla (Completed)
RomanceTahimik na humahanga si Myla sa bandang Sentinel nang magkasagup sila ng isa sa mga miyembro niyon. Ang playboy con bassist na si Jaycob Zamora. Maganda na sana ang imahe ng banda sa kanya kung hindi lang dahil sa isang asungot na ito na ang tingi...