Mga letra

149 3 0
                                    

Mga letra na kumukumpleto sa mga salita
Sa mga nilalaman ng puso ko na nais kong ipadama
Ngunit bakit ito ay tila bang nababalewala
Dahil ba sa kanya ka naka-sentro kaya di mo ko makita?

Bawat araw ay lumilipas, mga letra ay nadadagdagan
Mga letra na pilit kinumpleto ang mga salita kahit na sa iyo nakalaan
Kahit sa loob ng ilang segundo ay di mo magawang tignan
Ang pagmamahal ko na pilit kong ipinaglalaban

Napapagod na ang mga letra
Sapagkat ang libro na sa iyo nakalaan ay pilit mong sinasara
Pilit mo akong nilalayuan, presensya mong aking nakasanayan ay unti-unti ng nabubura
Mga letra na bumubuo sa aking damdamin ay unti-unti narin nagiging basura

Hanggang kailan ba ko lalaban?
Sinugal ko na ang lahat ngunit bakit ako parin ang naging talunan ?
Kung sa bagay, wala namang tayo na maari kong panghawakan
Mga letra na bumubuo sa aking damdamin , tuluyan ko ng kakalimutan

Malay Mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon