Sa paglimot ko sa aking nakasanayan
Ay natagpuan ko ang isang tao na nagbigay muli ng kasiyahan
Aking puso ay muling nabuhayan
Ang noon na aking pilit iniiwasan ay unti unti ko na ring nalalagpasanAyokong mahulog muli ngunit bakit patuloy mo paring pinipilit
Di mo ba maintindihan na takot na akong masaktan ulit?
Natatakot ako sa maaring maging resulta , kung ano ang maaring kalabasan
Ngunit sinasabi ng puso ko na sa pag-ibig ay muli kong pagkatiwalaanMaraming bagay ang gusto kong gawin na kasama ka
Gusto kong gumawa ng bagong ala-ala na masasaya
Dahil sa mundong ito ay walang permanente kundi ang tanging mga ala-ala na ibabaon natin sa puso at diwa
Salamat dahil nakilala kita at sana ay wag ka ng lumisan pa
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo
Poetry" 𝙳𝚒𝚋𝚊 𝚐𝚊𝚗𝚘𝚗 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚝𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊 , 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚗𝚊𝚝𝚒𝚗 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚝𝚞𝚕𝚞𝚢𝚊𝚗 𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚘𝚗𝚐 𝚐𝚞𝚜𝚝𝚘 𝚗𝚊𝚝𝚒𝚗 ." - 𝚏𝚒𝚍𝚎𝚕 𝙼𝚐𝚊 𝚝𝚞𝚕𝚊 𝚗𝚊 𝚒𝚜𝚒𝚗𝚞𝚕𝚊𝚝 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚗𝚊𝚐𝚖𝚊𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚊𝚔𝚘