Pansin mo ba?

27 1 0
                                    

Pansin mo ba,  mga tao ngayon masyadong sabik sa pag-ibig? 
Na halos lahat ay minamadali
Uhaw na uhaw sa pansin at atensyon na akala mo ay tubig
Di bale ng masaktan basta naging masaya ng isang sandali

Gusto magkaron ng pangmatagalan pero sa mabilisan lang sumusugal
Mahirap man aminin pero ganito na ang sistema
Sa sandaling panahon,  maituturing na ba iyong pagmamahal? 
Pagmamahal din ba yon kung sabay-sabay mong pinaglalaruan yung lima? 

Di mo naman kinaganda o kinagwapo yung kung gano kadami
Di naman nasusukat iyon kung hanggang san na kayong dalawa umabot
Di naman nasusukat yun kung humahabol sa'yo ay marami
Dahil kung habulin ka man nila,  sigurado ka bang ikaw mismo ang habol o kantot (sorry) 

Asan na yung mga taong seryoso? 
Asan na ba yung mga taong handang maghintay? 
Yung relasyon na matibay at di kaagad nadadala sa tukso
Yung relasyon na hindi perpekto pero hindi kaagad naghihiwalay

Hindi ba masarap sa pakiramdam yung magkaron ka ng isang tao na hindi ka iiwan kahit na madalas ay hindi ka na niya maintindihan
Yung tao na handang magbigay ng suporta
Yung taong handa kang mahalin kahit na hindi kagandahan o kagwapuhan
Yung tao na mamahalin ka sa kung ano ka talaga

Oo lahat tayo nagmamahal, nagmumukhang tanga
Pero habang nagmamahal ka sana,  wag mong kalimutan yung sarili mo
Di masamang huminto kung kailangan na ng puso mo ng pahinga
Piliin mo yung tao na mahal ka dahil ikaw ang gusto niyang makasama sa kinabukasan niya mismo

Malay Mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon