Lahat Naman Nagbabago

40 2 0
                                    

Araw araw ay hinihintay ko parin yung dati
Na nakasanayan ko mula umaga hanggang gabi
Tayong dalawa magkausap parati
Ngunit ang ideya na tayong dalawa ay biglaang nabati

Natigil , nawala, naglaho na parang bula
Kung gano kabilis mangyari ang mga bagay-bagay ay ganoon din siya kabilis mawala
Di ko naisip na baka nadala lang tayo ng mga tao sa paligid natin
Nakalimutan ang puso na tanungin

Sa bawat minuto ay di maalis sa isipan ko kung sino na ba ang nagpapasaya ngayon
Kung sino na ba ang naglalagay ng ngiti sa iyong mga labi na katulad ng nagagawa ko noon
Sa bawat minuto ay iniisip ko kung naalala mo pa ba ko katulad ng pag-alala ko sa'yo
Ngunit mukhang malabo na dahil ang kagustuhan mo , sa akin ay malayo

Isang beses lang akong naniwala na baka puwedeng maging tayo
Na baka dumating yung araw na ako ay maging iyo
Na balang araw ay makita mo rin ako katulad ng pagtingin mo sa nakaraan mo
Na sana ako nalang ang nilalaman ng puso mo

Ngunit muli ay nabigo ako
Sa larong ito ay ako nanaman ang nagsilbing talo
Sa pagsikat ng araw ay muling tutulo ang mga luha ko
Dahil sa pagpipilit ko sa maling akala na mahal mo rin . . . ako

Malay Mo, TayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon