Aking sinta , kay tagal na nang muli kitang nahagkan sa aking mga kamay
Kay tagal na noong huli kitang napagmasdan
Sa'yo umikot at tinuring sentro ng aking buhay
Ngunit sa paghinto ng orasan ay nawala at ang isa't - isa'y tinalikuranMga pangakong binitawan na " tayo lang hanggang dulo "
Ay ang mga pangako ding pilit nating iniwan
Nasaan na ba tayo ?
Naliligaw sa daan na pinangako nating tatahakin at malalagpasan natin dahil sa ating pagmamahalanAking sinta , limang buwan na nang muli kitang mahagkan
Sirang-sira ka at tila bang sumusuko na sa hamon ng pag-ibig
Di namamalayan na ang puso ko ay puno ng kirot at pagmamahal na aking matagal ng kinalimutan
Bumabalik na para bang kahapon lang tayo nanlamigNgunit sabi ng puso ay , " tama na "
" Tama na , nakarating ka na sa paroroonan mong nais puntahan "
Naisip ko na baka di lang talaga tayong dalawa
Pinag-adya ng panahon na pagkitain tayo bilang magkaibigan at hindi bilang magkasintahanNaisip ko na baka kaya tayo tinapos ng tadhana
Dahil marami pang bagay ang para sa atin na noon ay di natin makita
Dahil bulag tayo sa ideya ng pagmamahal dahil tayo'y bata pa
Sa mundong pinaiiral lamang ang pag-ibig , panahon na para ika'y bitawan na
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo
Poetry" 𝙳𝚒𝚋𝚊 𝚐𝚊𝚗𝚘𝚗 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚝𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊 , 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚗𝚊𝚝𝚒𝚗 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚝𝚞𝚕𝚞𝚢𝚊𝚗 𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚘𝚗𝚐 𝚐𝚞𝚜𝚝𝚘 𝚗𝚊𝚝𝚒𝚗 ." - 𝚏𝚒𝚍𝚎𝚕 𝙼𝚐𝚊 𝚝𝚞𝚕𝚊 𝚗𝚊 𝚒𝚜𝚒𝚗𝚞𝚕𝚊𝚝 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚗𝚊𝚐𝚖𝚊𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚊𝚔𝚘