Sabi ng iba, hindi lahat ay dapat minamadali sapagkat sila'y darating sa tamang panahon
Araw-araw na ginawa ng Diyos ay may patutunguhan din balang araw
Na mas tumatatag ang pag-ibig habang ito ay lumalaon
Ang damdamin ay tila bang mga nagsasalpukan na mga bulalakawGusto kong malaman mo na sa bawat oras na ikaw ang kausap ko
Sa bawat bati mula umaga hanggang gabi
Ay naka marka na ang ngiti mula sa aking mga labi
Na sa bawat oras ay hinihiling ko na sana ay mahagkan na kita sa piling koMga bata pa tayo pero ang bawat salita ay mistulang mga musika
Ang mga matatamis na ngiti ay nagsisilbing mga sandata
Tila bang susi upang mabuksan ang pinto ni tadhana
Tila bang lahat ng ito ay naiulat na ng may likhaIlang buwan na ba ang pinagsamahan natin?
Sa bawat maling unawaan ay palaging nandyan si galit
Sa bawat pagtatangkang tapusin ay nauuwi sa “ lagi nating aayusin ”
Di ko inakala na mararamdaman ko ang pagmamahal na marami ang gustong makakamit
BINABASA MO ANG
Malay Mo, Tayo
Poetry" 𝙳𝚒𝚋𝚊 𝚐𝚊𝚗𝚘𝚗 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚝𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊 , 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚗𝚊𝚝𝚒𝚗 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚝𝚞𝚕𝚞𝚢𝚊𝚗 𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚘𝚗𝚐 𝚐𝚞𝚜𝚝𝚘 𝚗𝚊𝚝𝚒𝚗 ." - 𝚏𝚒𝚍𝚎𝚕 𝙼𝚐𝚊 𝚝𝚞𝚕𝚊 𝚗𝚊 𝚒𝚜𝚒𝚗𝚞𝚕𝚊𝚝 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚗𝚊𝚐𝚖𝚊𝚖𝚊𝚑𝚊𝚕 𝚊𝚔𝚘